Simula

3.1K 97 6
                                    

Meisha's Pov.

Kakarating ko lang sa school, ito ang unang araw na mag-aaral ako here, sa ibang bansa na rin kasi ako halos lumaki and home school ako, and also four or five months pa lang ang lumipas since na lumipat ako papuntang pilipinas.

Mabilis ako napasigaw nang may nabungo ako. Damn...

Tinignan ko 'yung nabungko kong lalaki, laking gulat ko nakita ko sa damit niya ang juice na iniinom ko.

"I'm so sorry..." 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko bago ako nagtatakbo palayo, kinabahan ako dahil ang sama nang tingin sa 'kin ng lalaki na 'yun, I think gamit ang mata niya ay gusto niya akong kainin, may kasama siyang lalaki tatlo at natawa lang ang mga 'yon sa likod niya bwisit babago-bago ko rito, 'yun agad ang bumungad sa 'kin ayaw ko mapahamak ng maaga.

The freedom I want duh!

Tumakbo ako sa room namin at umupo sa pinaka sulok at yumuko nalang sa mesa kahit pinagtinginan ako kanina, I don't care, maya-maya ay may narinig akong mga ingay.

Napatingin ako sa mga sinisigawan nila.

Huh? 'Wag mong sabihin sikat ang mga 'yan dito?, patay ako nito... Lalo ko tinakpan ang sarili ko ng bag ko at nagtago sa ilalim na g mga upuan.

Hindi niya ako pwede makita baka mapatawag ako sa office hindi naman pwede sila Lola ang pumunta sa office kung sakaling ipatawag ang magulang ko or guardian, lalo na si Kuya sigurado akong papauwiin ako no'n sa United States kapag nalaman no'n na office agad ako.

Inangat ko ang ulo ko at laking gulat ko nakatingin sa 'kin 'yung lalaking natapunan ko kanina. Want niya na ba ako patayin?
Masama ang tingin niya at nakakunot ang mga noo, lumakad siya papapunta sa dereksyon ko, nang malapit na siya saka ako tumakbo papunta sa pinto.

"Hey!" Habol na sigaw niya pero hindi ko nalang pinansin 'yon saka nagtutuloy sa pag-takbo papunta sa likod ng building.

"Sorry kung sino ka man but, ayaw ko maparusahan minsan lang ako makalaya sa pamilya ko, kaya 'di mo 'ko pwedeng makilala." Kinuha ko ang red na oversize shirt sa bag ko saka kinalas ang suot kong blouse tutal nakasando naman ako ay okay lang, mabilis kong sinuot ang t-shirt saka inayos ang sarili.

Tumingin ako sa daan at tinitignan ko kung nando'n pa 'yung lalaki, nang makita kong wala na siya ay saka ako lumabas pero hindi pa ako nakakailang hakbang siyang bigla niyang sulpot.

"Hey."

"Sino ka?" Tanong niya.

"Ano naman pakialam mo kung sino ako ha?" Mariin ko nakagat ang pang-ibabang labi ko pagkatapos sabihin 'yun, ay bwisit 'wag mo na patulan, Meisha sa inyo ka lang maldita hindi pwede rito.

"Sino ka?" Mariin niyang tanong muli. Hindi ako makasagot, dahil nag-iba iyong paraan nang pagtingin niya sa akin. Oo nga gwapo siya, matangkad, at maputi pero, nakakatakot talaga 'yung itsura niya ngayon umatras lang ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko wala na akong maaatrasan.

"I'm talking to you." Sabi niya sabi sa 'kin at halata talaga sa tono niya ang inis, so what if you are talking to me? I'm not talking you naman.

"Foxy eyes ka pala."

'Di ba obvious?

"Sino ka? Ano'ng pangalan mo?" Mabilis niyang tanong sa 'kin na palunok naman agad ako ng pauli-ulit.

Sasabihin ko ba pangalan ko sa kan'ya? At bakit ko naman sasabihin sa kan'ya 'no.

"M-Meisha." Nauutal kong sabi, no choice. Maya-maya ngumiti lang siya geez!, nakakakilabot 'yung ngiti niya may kinuha siya sa bulsa niya at inabot 'yung papel at biglang umalis. sa harap ko at iniwan na ako doon.

Tinignan ko' yung papel

Note:

We need to talk, text me asap! Here is my number.

Napalunok nalang ako nang ilang beses dahil sa nabasa ko.

Paano na ako nito?

Bakit ba kailangan mangyari pa sa 'kin ito.

Gusto ko lang naman ng tahimik at masayang buhay ngunit ang akala kong pag-punta ko rito sa pinas ay magiging malaya ako ngunit nagkamali yata ako do'n dahil sa lalaking hindi ko naman sinasadyang makilala, bwisit siya text me, text me pa siyang nalalaman.

No way, sayang ang load ko.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon