Kabanata 5

1.1K 60 1
                                    

Meisha's Pov.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay, nandito na kami ngayon malapit sa school kinakabahan ako kasi baka may makakita sa 'min.

As if may care siya sa buhay ko, kung sa kaniya okay lang ang ganito, sa 'kin hindi.

"Kaklase ka ng kapatid ko, right?" Biglang tanong niya, buti naman umimik siya hindi uso sa 'kin ako ang unang magbubukas ng topic.

"Oo."

"Ibaba mo nalang ako d'yan sa kanto 'wag mo na akong isama papasok." Utos ko.

"Bakit ko gagawin 'yun? Ms.Lim or should I call you babe? Right babe?"

"Eww, yuck, fu— pak-pak!" Inis ko na sabi. Bakit ang hilig ko na magmura ngayon, If my mother is here, she will be get mad at me, and going to palo me on my ass.

"Don't say bad words, at bakit anong masama sa babe 'di ba? girlfriend naman kita." Mayabang na sabi niya saka binalik ang tingin sa daan.

Wow, girlfriend mo lang kasi kailangan mo ng babae.

'Di niya ako binaba sa kanto at derederetsyo ang loko at kitang-kita ko ang mga mata ng mga babaeng tilian nang tilian paano kaya kapag nalaman nilang kasama ako ni alexander na crush na crush nila.

I'm so pretty kasi kaya ako ang pinili.

Pagka-park pa lang niya ay bumaba na agad ako, ayaw ko nga makita ng mga babaeng patay na patay sa kaniya.

Naririnig ko pa ang bulungan nila pero, hindi ko na pinansin 'yon saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom ko.

"Meisha!" Rinig kong sigaw ni trisha ng makapasok pa lang ako sa classroom namin.

"Good morning, Trisha." Walang gana kong bati, nakakawalang gana si alexander, ang gusto ko ay kalayaan?! Pero isa pa siya sa humaharang sa 'kin.

So epal.

"Luh siya? Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit mukhang wala ka sa mood ngayon ha?" Si Cyrill 'yun, medyo nagulat ako dahil bigla-bigla siya sumulpot— wait? 'Di ba sa kabilang room siya?

"Wala lang."

"Good morning, everyone!" Sigaw nung kung sino. Kunot noo kong binaling ang tingin sa sumigaw, maganda, morena, at matangkad hindi siya sexy hindi rin sya mataba. Same lang kami ng body figure.

Sino naman 'to?, bago rin?

"Hello!" Masiglang bati niya ulit sa 'min.

"Hi." Bati ko, feeling close siya ha.

"Hi!" Bati ni trisha.

"Girl, trasnfer ka?"

Napansin ko naman agad si cyrill na deretsyong nakatingin sa kaniya, kunot ang noo nito at nagmukhang lalaki ang itsura. 

"Ay, oo sa totoo lang may sinundan talaga ako, 'di ba baby cyrill?"

"What th- si cyrill baby mo?!" Sigaw nung dalawa nakakapasok lang napailing nalang ako nakita ko naman napalingon sa 'min 'yung iba namin kaklase.

May sarili silang mundo, like me.

"Lumayo ka nga sa 'kin, Amy kadiri ka, 'di tayo talo 'no, girl din kaya ako yuck eww!" Maarteng sabi ni Cyrill at halatang diring-diri siya.

"Pero he's a gay, we all should respect that." Si lian.

"Girls, alam kong gay siya pero, pwede pa naman siyang maging lalaki gan'yan siguro kapag nagmamahal."

"No." Kontra ni Lian sa sinabi niya.

"Cyrill, paano mo siya nakilala?" Taka kong tanong dahil mukhang magkakilala sila.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now