Kabanata 6

1.1K 49 0
                                    

Amy's Pov.

Naiinis na talaga ako kasi ayaw talaga sa 'kin ni Cyrill, kanina pa ako sunod nang sunod sa kanila sa classroom ayaw niya akong katabi. I mean, nakatago kasi siya sa room namin kanina since wala silang teacher sa oras na 'yon.

"Trisha, Meisha, Aira, at Lian tara sa bahay nila Cyrill." Yaya ko sa kanila. Need ko sabihin ang mga pangalan nila baka isipin nila na hindi ko pa sila knows.

"Sige, nasaan na ba si Cyrill?" Tanong ni Trisha saka nilibot ang paningin sa paligid.

"Tinawag siya ni Coach, kaya iniwan ko na si baby." Sabi ko.

"Ah kaya pala wala si bakla," tumungo siya "'Di  ba, Amy sabi mo close kayo ni Cyrill dati? Bakit parang ngayon hindi na?" Curious na tanong sa 'kin ni Aira.

"Kasi ano... iniwan ko kasi siya rito sa pilipinas. Kaya nagalit siya sa 'kin kaya nga gusto ko pumunta sa bahay nila miss ko na rin kasi si Tita Enila at Tito Edward." Pagkwekwento ko. Ayoko naman magsinungaling
sa kanila eh.

"Close kayo nila Tita?" Tanong sa 'kin ni Trisha, agad naman akong tumango.

"Super! Gustong-gusto nga ako ni tita para kay Cyrill eh." Kinikilig kong kwento, bigla ko tuloy naalala noon kung paano ako i-push ni Tita kay Cyrill.

"Meisha, sama ka mamaya ha." Yaya ni Trisha kay Meisha pero, mukhang wala sa wisyo si girl. Ang ganda talaga ni Meisha! Iba 'yung ganda niya sa amin, oo maganda kaming lahat pero, iba 'yung ganda niya gandang pang-mayaman.

"Sure, wala naman akong gagawin sa bahay eh." Pagsang-ayon naman ni Meisha sumilay naman ang malaking ngiti ni Trisha.

Napabaling kami lahat nang marinig namin ang sigaw ni Cyril sa likdo.

"Hi!" Sigaw ni cyrill.

Alam ko ang sekreto mo, matagal akong nawala pero hindi mo 'ko maloloko.

"Hi, Baby ko." Bati ko agad sa kan'ya inirapan niya naman ako agad.

"Eww, mandiri ka nga, Amy." Maarteng sabi niya. Sige lang Cyrill.

"Baby, naman kasi sorry na kung iniwan kita."

"Oo na tigilan mo na ako 'di tayo talo girl." Naiirta sabi ni cyrill, na pabuntong-hininga naman ako saka pekeng ngumiti. Alam ko naman na  pinapakita mo lang sa kanila na wala lang 'yung ginawa ko noon.

"Hoy, bakla punta kami sa bahay niyo tambay tayo do'n sa pool niyo." Bigla singit ni trisha.

"Sige ba ma." Sang-ayon niya bago lumapit kay Lian.

"Wait, nasaan si Xiana?" Tanong ni Meisha. Ay oo nga bakit wala dito si Xiana.

"Ay nakita ko si bakla sa room nakikipag-away kay Mj." Halos lahat kami nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Cyrill, like girl kalamado siya nung sinabi niya 'yon.

Gagi!

"Ano?! Bakit 'di mo pinigilan?!" Sigaw namin.

Like. Oh hell talaga.

"Eh kasi naman basta— tara na baka kung ano pa mangyari kay Mj." Yaya ni cyrill at nanguna tumakbo papunta sa room.

***

Xiana's Pov.

Umalis muna ako sa tabi nila Meisha pero 'di ako nagpaalam dahil may kukunin lang maman ako rito sa room nang makuha ko na ang kailangan ko bigla naman sumulpot ang bakulaw.

"Bebe loves." Malambing na sabi ni tukmol. Nakakairita ang lalaking ito! Bahay at school lagi nang gugulo!

"Ano naman?" walang gana kong tanong habang hindi siya binibigyan nang tingin.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now