Kabanata 2

1.4K 72 1
                                    

Meisha's Pov.

Narito kami ngayon sa court at nagpapalista na kami tatawagin nalang kapag sasayaw na. Weird pala ang pag-audition sa school na 'to, or sad'yang hindi ako sanay? Last time I check almost four years na akong home school, nung bata lang ako nag-school and nakaranas ng cheerleader.

Med'yo weird 'yung tingin sa 'kin ng ibang student kaya weird ko rin silang tinignan.

"Trisha, ikaw ba ang leader ng dance group dito?" Tanong ko kasi pansin ko na madalas siya batiin ng mga nag-audition.

"Oo, ako ang leader ng LIS group pero, pag-dating sa cheerleader si Zarina ang leader kasi ganto 'yan, ang dance group ay sa mga sayawan, halata naman, tapos ang cheerlearder ay para naman sa labanan kapag sa sports or whatever kaya dalawa bali ang sasalihan." Paliwanag niya tumango-tango naman ako.

"Dalawa sad'yang ganto sa school na 'to."

"Oo meisha pero, sabi mo cheerleader ka before, kaya makakaya mo 'yan tara na sa loob baka magsisimula na sila." Sabi niya bago ako hinila papasok sa kwarto.

"Trisha doon ka sa chair sa tabi ni Zarina." Sabi nung babaeng matanda saka itinuro ang upuan doon sa tabi ni Zarina.

"Meisha doon na muna ako, 'yun si Zarina 'yung magiging katabi ko." Itinuro pa niya ito kaya tumungo nalang ako, masama ang tingin sa 'kin nung babae ewan ko kung bakit,

I know na maganda ako duh.

"Sige."

Mabilis lang naman natapos ang audition, marami ang napili marami rin ang hindi, pero isa ako sa napili.

"Meisha, tara na sa gym mag-pa-practice na ngayon," Yaya niya kaya bahagya ako nagtaka. Agad-agad? Why?

"Pero, tungkol muna sa cheering kasi wala pang date kung kailan ang dance competion eh, kung med'yo naguguluhan ka, parehas tayo na cheerleader and also a dancer, basta gano'n." Pagpapaliwanag niya tumungo lang naman ako.

"Next months kasi ang start na mag-practice ang mga player, pati na rin tayo kasi pag-dating ng november simula na ang sports fest kaya, kailangan natin manalo bilang best cheerleader." Mahaba niyang sabi hindi naman ako umimik dahil nakinig nalang ako sa mga sinabi niya.

Ibang-iba ang sistema ng pag-aaral dito at ang pag-aaral sa ibang bansa.

"Uy!" Sigaw niya sabay hampas nang mahina sa'kin kaya na patigil ako sa pag-iisip.

"Bakit?" Taka kong tanong at tumigil sa paglalakad at tumingin sa kan'ya habang naman siya ay mahinang umiling.

"Nakikinig ka ba?" May inis niyang tanong kaya agad akong na alarma.

"Sorry, may iniisip lang." Pag-hingi ko nang paumanhin narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

Magsasalita na dapat siya pero, agad ko na siyang inunahan.

"Trisha, una muna ako may pupuntahan lang ako" Pagpapaalam ko.

"Meisha samahan nalang kita." Aniya pero agad naman akong umiling.

"'Wag na." Tangi ko. Aangal pa dapat siya pero bigla tumunog ang cellphone niya.

"Hello... kuya... yes.... saan? Why?... sige... punta na ako? Oo na pupunta... na... bye..." Pakiki pag-usap niya sa cellphone saka pinatay ang tawag.

"Sige meisha, kita nalang tayo sa gym pinapatawag kasi ako." Inis niyang sabi sabay kamot sa ulo tangi tungo lang ang na i-sagot ko bago siya tumakbo paalis.

Pagkaalis niya ay agad ako nagpunta sa locker Room.

Habang nasa locker ako at nag papalit ng damit bigla tumunog ang cellphone ko.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon