Kabanata 16

813 40 3
                                    

Xander's Pov.

Kanina pa ako rito sa court. Dahil wala ako sa mood mag-practice, isang linggo na rin simula nang hindi na ako kinakausap ni Meisha.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya kailangan ng space? At bakit niya gusto makapag-isip? Eh wala naman kaming naging problema sa pagkaka-alala ko.

Gusto niya layuan ko muna siya? Dahil kailangan daw niya ng space?

Space for what?

Naguguluhan din ako bakit niya tinanong 'yong about sa deal. Ayaw niya na ba akong makita? Ayaw niya na ba ako makasama? 'Yon ba ang problema?

Masyado maraming gumugulo sa isip ko, hindi ako masyado makapag-practice nang matino. Dahil lagi ko siya iniisip.

Hindi ko alam, natatakot ako na kapag natapos na ang deal namin ayaw niya na ako makita or 'di kaya makasama. Baka tuluyan na niya ako layuan.

Hindi pwede 'yon, nasanay na ako nand'yan siya, tapos mawawala siya.

"Bro, ayos ka lang ba?" Tanong sa 'kin ni Ivan, nakakaupo lang sa tabi ko. Hindi naman ako umimik at nanatili nakayuko.

"Oo nga, ilang araw kana gan'yan." Sabat naman ni Ethan.

"Hulaan ko. Nag-away kayo ni Meisha?" Biro ang tono ni Lyroy pero hindi ako natuwa.

"Hindi kami nag-away, masaya pa nga kami bago kami maghiwalay tapos kinabukasan bigla siya, naging cold." Kwento ko, hindi ko talaga alam. Tsaka kung may ginawa akong masama alam ko 'yun sa sarili ko, kaso wala talaga.

"Kausapin mo kaya, Bro." Sabat naman ni Ivan.

"Paano ko kakausapin eh, kung gusto niya ng space at gusto raw niya mag-isip." Inis kong sabi saka yumuko at hinilot ang sintido.

"Kung ako sa 'yo bro, kakausapin ko siya. Kahit sinabi niya 'yun baka may problema siya kaya siya gano'n." Seryosong sambit ni Ethan saka tinapik ang balikat ko, sa 'min magkakaibigan si Ethan ang magaling sa mga bagay-bagay. Lalo't na sa mga babae.

Maghapon lang ako nag-isip ng araw na 'yun. Kung kakausapin ko ba si Meisha, kaya na pagdesisyonan kong kausapin siya.

Alam ko sa sarili kong deal lang 'to pero gusto ko siya, I love her, takot lang ako umamin baka magka-iba kami nang nararamdaman. Almost five months ko na siya nakakasama.

Kinabukasan maaga ako nagising, dahil maaga rin ang pasok ko, pero hindi pa ako nakakalayo sa parking lot ng hilahin ako ng kung sino papasok ng locker room.

"Yo— Zarina."

"Yes, Love." Sabi nito akmamg hahalikan ako nito ay dali-dali ko siyang tinulak, gross, eww.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis kong singhal sa kan'ya.

"Xander alam kong hindi mo mahal ang babaeng 'yun gusto mo lang akong pag-selosin para bumalik sa 'yo."

"Pwes, mali ang iniisip mo hindi ko ginagawa 'yun para bumalik ka sa 'kin, dahil basura kana sa 'kin, Zarina at si Meisha na ang gusto ko at hindi mo na mababago 'yun!" Galit kong sigaw na kinagulat niya. Ano tingin niya sa 'kin, aso? pag-iniwan mo sa isang lugar, tapos hihintayin lang amo hanggang balikan siya.

"Xander, eto na ako at bumabalik na sa 'yo bakit pa pipilin mo ang babaeng 'yun?" Inis niyang tanong sa 'kin.

"Dahil siya ang gusto ko.
Tama si Meisha mas deserve ko siya kaysa sa 'yo, kaya pwede ba? Tigilan mo na ako, para kang ahas kung makadikit." Inis kong sabi saka siya tinalikuran pero hindi pa ako nakakalayo ng hilahin niya ako bigla at halikan, daplis lang iyon dahil mabilis akong umiwas.
"Ano ba?! Are you stupid?! Gago ka ba? Ex-girlfriend kita, may girlfriend ako, gago!" Galit kong sigaw saka siya tinulak pero 'di ko inaasahan bubukas ang pinto ng locker room at pumasok si meisha.

"M-Meisha..."

Nakatingin lang siya sa 'min at saka binaba ang tingin sa mga kamay naming magkadikkt.

I swear to god, kapag tuluyan kami naghiwalay, hihingi ako ng tulong kay Aiden para makabawi ako sa babaeng 'to.

"Sorry na istorbo ko yata kayo." Sabi niya saka dali-daling lumabas

"Meisha!"

"Zarina, bitawan mo 'ko." Sabi ko bago siya tinulak ulit nang malakas para tumama siya sa locker.

"'Wag mo na, 'wag mo na ulit akong lalapitan." Galit kong sabi saka dali-daling lumabas ng locker room pero tinignan ko na ang kaliwa at kanan wala na akong nakitang Meisha.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang kapatid ko.

"Hello, Oppa."

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Nandito sa dance classroom, bakit?" Tanong niya sa 'kin.

"Kasama mo ba si Meisha?" Tanong ko ulit sa kan'ya.

"Oo, pumunta lang saglit sa locker room magbibihis lang daw siya."

Shit!

"Wala siya d'yan, ngayon?" Tanong ko.

"Wala pa."

"Sige tawagan mo 'ko kapag nakita mo siya." Sabi ko saka binaba ang tawag.

Tinatawagan ko siya pero 'di niya sinasagot paikot-ikot na ako sa school.

"Hello." Sagot nito.

"Sa wakas sinagot mo na rin nasaan ka ba?" Tanong ko.

"Hello po sino po 'to kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tanong sa 'kin.

"Pasyente?"

"Uhm, Sir kaano-ano po kayo ni Ms. Lim." Tanong ulit niya.

"Boyfriend niya po."

"Sir, nandito po siya sa St. Gabriel Hospital, papuntahan nalang po." Sabi nung babae saka binaba ang tawag.

Pagkadating ko roon sa ER dali-dali ako nagtanong.

"Nasaan na po 'yung pasyenteng dinala rto?" Mabilis kong tanong

"Ano pong pangalan sir?" Tanong nung Nurse.

"Meisha Ann Lim." Mabilis kong sagot

"Sir, nando'n po siya sa loob." Sabi nung Nurse at tinuro sa 'kin ang kama nasa loob ng ER kita ko si Meisha na natutulog nakita ko sa tabi niya ang isang babae at lalaki mukhang mag-asawa.

"Sir and Ma'am." Pagtawag ko sa kanila

"Iho, kamag-anak ka ba ng batang 'to?" Tanong sa 'kin nung babae.

"Boyfriend niya po ako, bakit po siya nandito?" Tanong ko.

"Nakita namin siya sa waiting shield ng bigla nalang siya mawalan ng malay kaya dali-dali namin siya dinala rito, sobrang putla na rin niya kanina." Paliwanag sa 'kin nung babae.

"Salamat po ako na po bahala sa kan'ya." Sabi ko saka sila nagpaalam na umalis.

Kinausap ako ng Nurse na ililipat na si Meisha ng room kaya inasikaso ko na ang mga bagay.

Sinabi nila sa 'kin na pwede na i-uwi si Meisha bukas may dalaw 'to, pagod din, at na stress ng sobra kaya nawalan ng malay. Seven na ng gabi pero natutulog pa rin siya.

I don't know if it's my fault or not.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon