Kabanata 12

884 40 0
                                    

Meisha's Pov.

Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw, mabilis ako na pabangon nang maramdaman ko nasusuka ako at dali-dali akong tumakbo papunta sa bathroom.

"Ouch; shit." Daing ko habang pinupunasan ang bibig. Ilang alak ba ang nilalak ko kagabi at sobra sakit ng ulo ko. Lagot ako nito. If my bába will know this, I'm surely I'm dead.

"Trisha, gising na." Sabi ko sabay alog ko kay Trisha na nakatihaya sa kama.

Nakita ko naman sa kabilang kama si Lian at Aira na sabay na tumayo.

"Paano tayo napunta rito?" Tanong ko sa kanila, imposible dahil nasa sala pa ako kagabi at nainom.

"Hindi ko... Alam..." Sagot ni Trisha nakakabangon lang. Habang tulala pa rin sila Lian at Aira na inaalala ang nangyari.

Wala nga ako maalala, shit ang sakit talaga ng ulo ko.

"Tara na sa baba, linisin na natin ang kalat natin sakit ng ulo ko." Yaya ko sa kanila.

Tumungo naman sila nanguna ako maglakad pa labas ng kwarto habang hawak-hawak ang ulo ko.

"Sinong naglinis nang mga 'to?" Tanong ni aira, ng makababa kami dahil laking gulat namin sa sobra linis ng living room pati wala na rin ang mga bottle ng alak.

Nilinis ba nila cyrill?

"Aba'y ewan ko." Wala gana sambit ni Trisha habang nakapikit at hawak ang ulo.

"Good morning, girls."

"Ano'ng ginagawa niyo rito?!" Sabay-sabay naming sigaw. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat.

Oh god...

"Kayo pa may ganang
magalit?" Nakangisi tanong ni Xander saka nilipat ang tingin sa 'kin. Umiwas naman agad ako nang tingin.
"Sino may pasimuno ng paglalasing?" Nakataas ang kilay na tanong ni ivan.

"Si Trisha!" Sabay-sabay namin sagot habang nakaturo kay Trisha na ngayon nanlaki ang mata habang hawak ang ulo.

"Nakakairita kayo! Mga sumbungera!"

"Kumain muna tayo saka kayo magpaliwanag." Malamig na wika ni Xander saka wala ano-ano hila ako paupo sa upuan saka naman siya naupo sa tabi ko.

"Nasaan si Cyrill at Amy?" Tanong ni lian, habang umupo sa tabi ni Ethan.

"Nasa master bedroom natutulog pa ata." Sagot ni lyroy at habang nilalagyan ng pagkain ang plate ni Aira, habang si aira naman ay nakasandal sa upuan.

"Ano'ng gusto mo?" Malamig na tanong sa 'kin ni Xander.

"Pancake." Tipid kong sagot, tumungo naman siya at agad ako pinagsilbihan. Nalipat ko ang mga mata ko ng marinig ko magsalita si Cyrill nakakababa lang sa hagdan.

"Good morning, guys. Ano bati na kayo?" Bati at tanong ni Cyrill sa 'min. Wala naman agad sumagot.

"Sino magkaaway?" Inosente tanong ni Amy saka umupo sa upuan.

"Wala, kakaloka kayo."

"Excuse me." Sabi ni Xander wala ano-ano ay hinila ako.

"Bitawan mo nga ako, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kan'ya, hindi siya umimik hanggang sa makarating kami sa gaming room at dali-dali ako hinawakan sa bewang at binuhat paupo sa billiard table. Parang ang gaan ko ah! I'm gaining so many weight kaya!

"May pag-uusapan tayo, you break my rules." Deretsyo niya sabi sa 'kin, kumunot ang noo ko.

"Ano?" Tanong ko.

"'Di ba sinabi ko sa 'yo bawal kang makipagusap sa ibang lalaki." Inis na sabi habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin mga mata.

"Wala akong pakialam sa rules mo. Ikaw na mismo nagsabi bahala ako sa buhay ko." Inis na sabi ko saka bumaba pero binuhat ulit niya ako paupo.

"Ano bang gusto mo?" Inis na tanong ko.

"I'm sorry." Sabi niya nakinagulat ko.

"For what?"

"Wala. Anyway wala ka ba naalala kagabi?" Tanong niya sa 'kin agad naman akong umiling.

"Bakit? Ano bang pinaggagawa ko kagabi?" Kinakabahan ko tanong. May nasabi ba ako kagabi?
Hell no, sana naman wala, 'di pa ako ready magpakilala.

"Wala naman." Ngumiti siya.
"Bakit kaba naglasing?" Medyo irita niyang tanong sa 'kin tumiklop naman ako.
"Hindi naman kasi talaga ako maglalasing kasi bawal pa eh, turning seventeen pa lang ako 'no."

"Tss, don't do that again, tara." Yaya niya sa 'kin dahil hindi ako umimik, baba na sana ako ng buhatin niya ako nakaharap ako sa kan'ya kaya napayakap ang binti ko sa bewang nya.

"You're so cute, Babe." Sabi nito saka naglakad palabas.

Feeling ko. Pulang-pula ang mukha ko ngayon, sa puti ko ba naman nito 'di mapapansin pagkapula ng mukha ko.

"Oy ano 'yan?" Bulyaw sa 'min ni Amy ng marahan ako binaba ni Xander sa tabi niya.

"Wow pre, lakas mo ha bati na kayo, mabuti pa kayo." Bilang sabat ni Ivan, tumawa naman si Xander saka umupo sa kabilang side ko.

"Finish your food." Sabi nito kaya kumain nalang ako.

Dahil nasa tabi ko lang si Amy gusto ko sana magtanong sa kan'ya pero 'di ko alam kung paano kaya, inipod ko ang upuan ko palapit sa kan'ya ng biglang may humila pabalik sa 'kin sa pwesto.

"Ano ba?!" Inis na sigaw ko, dahil muntik na ako mahulog.

"Bakit ka ba na ipod?" Tanong niya sa 'kin.

"Basta." Sagot ko saka inipod ulit ang upuan palapit kay amy.

"Amy..." Bulong ko tawag.

"Hmm..." 

"Bati na kayo ni Cyrill?" Bulong kong tanong.

"Bati naman kami sad'ya." Kunwari tumatawa siya pero halatang peke 'yung tawa niya.

"Ah..." Sabi ko nalang, saka bumalik sa dating pwesto.

"Pagkatapos niyo umuwi na kayo." Pagtataray agad ni Trisha, agad naman magreklamo si Ivan.

"Why?." Tanong ni Ivan.

"Dahil... Haggang linggo kami rito." Sagot niya dito
"'Di kami uuwi." Deklara ni Ivan sabay-sabay naman tumungo ang iba lalaki bilang pagsang ayon.

"At bakit?" Mataray na tanong ni Trisha,

"Dahil warfreak ka." Mayabang sabi ni ivan saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Ano?!" Inis na sigaw ni Trisha saka naglakad palabas

"Lagot ka." Nang-aasar na sabi ni Lyroy, tumawa naman si Aira at Lian.

"Manahimik ka, Trisha!" Singhal ni Ivan saka sinunduan si Trisha.

"Kayo bati na." Tanong ko sa kanila.

"Yeah, tsaka hindi naman dapat sa 'kin mag-sorry 'yang si Lyroy doon sa lalaking sinuntok niya." Natatawang sabi ni Aira, sumimangot naman si Lyroy.

"Hindi ba talaga kayo uuwi?" Tanong ni Lian,

"Nope, saka gagala tayo." Si Ethan nagkatinginan naman kami nila Aira.

Gagala? at bakit naman kaya?

"Eh, saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Lian.

"Amusement park." sagot ni Xander.

"Ha?!" Sabay-sabay naming sigaw na mga babae.

"Ano'ng gagawin natin doon?" Tanong ko.

"Magsasaya alangan bakla, try mo mag-camping doon dala ka tent." Tumatawang sabi ni Cyrill, palihim naman ako umirap. Napaka pilosopo!

"Kaya bilisan niyo na at maligo na kayo para makaalis na tayo." Utos ni Xander. Tumungo nalang kami lahat saka pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ko itatangi medyo excited ako kasi never ako nakapunta sa gano'n lugar.

Deal With The Hearttrob (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon