Chapter 14: Cold Hands, Warm Hearts

232 27 2
                                    

ALTHEA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALTHEA

"Be sure to finish your homeworks even with this short vacation." sabi ni Ma'am pagkapalag ng kanyang memopad sa mesa. "Projects are essentials since graduating students kayo. Kaya hangga't andito pa kayo, mag-ask na kayo sa ibang teachers niyo kung may mga kulang kayo para magawan niyo ng paraan while on vacation."

Bagot na tango ang isinagot ng mga kaklase ko sa mahabang paliwanag ni Ma'am. Mukhang lahat hindi gusto ang take-home activities sa gitna ng sembreak. Mas gusto kasi nilang mag-saya lang at 'wag alalahanin ang mga school works.

Napabuga nalang ako ng hangin saka dinampot na ang bag ko. Tapos na din naman ang klase kaya mas maiging tumungo na ako sa cafe para makapagsimula na din ng trabaho. At para masabihan din si Manager Anne na magtatrabaho ako sa buong sembreak ko.

Mas maganda na ang may kita kesa naman sa tumunganga ako sa bahay. Mahirap umasa sa allowance na binibigay ni Papa.

"Althea," huminto ako sa paglalakad dahil sa pagtawag na iyon at nilingon ang likuran ko.

Nakangiting mukha naman ni Ms. Abby ang sumalubong sa akin na kaagad kong ikinangiti. Humarap ako ng maayos sa kanya at tumungo tanda ng paggalang. Lumapit naman ito sa akin at marahang tinapik ang balikat ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya na matiim nakatitig sa mukha ko. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong school festival at hindi ka active, pero sabi ni Marylou na hindi raw maganda ang pakiramdam mo. Ayos ka na ba?"

I bashfully smiled at her and nodded my head as an answer. "Yes, po. Maayos naman po ang pakiramdam ko nang bumangon ako kanina."

Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Basta nang magising ako kanina ay napakagaan ng pakiramdam ko. Though may kaunting pagod pa, wala namang sikip sa dibdib ko. 'Di ko nga alam kung bakit masama ang pakiramdam ko noong nakaraan.

"Over fatigue siguro dahil lagi ka ding pagod." bumuntong-hininga siya. "Take proper rest, alright? Lalo pa't isa ka sa candidate ng mga Top students."

Ngumiti nalang ako sa sinabi niya.Nagpaalam na din naman ito kaya umalis na ako para magpunta nang cafe.

Nauna na si Marylou roon dahil mas maaga sila na-dismiss. Excited din siguro iyon dahil magpapaalam siya ngayong break. I heard na magbabakasyon ata siya kasama ang Mama niya sa hometown ng Papa niya.

Ah, nakakainggit naman. Buti pa siya makakasama parents niya.

Ako kasi wala namang makakasama. Maaga nang nagsabi si Papa na pupunta silang States para bumisita sa parents niya. At sila lang iyon. Kahit naman kasi dala ko ang surname ni Papa, hindi pa din ako na-recognized bilang isa sa family member nila.

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now