Chapter 15: Me, You, And Our World

175 22 0
                                    

ALTHEA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALTHEA

"I'm really sorry, Althea. But, you know the situation, right?" pilit na ngumiti si Papa sa akin. "Pero, huli na 'to. The next time, you'll come with me."

"Okay lang po." nakangiting sagot ko.

It's not that it bother's me. Hindi ko naman hinahabol na kilalanin ako ng mga relatives niya, masaya na ako sa ganitong set-up. At least wala akong problema liban sa step-mom at step-sister ko.

"Uuwian nalang kita ng pasalubong." sabi ulit niya. "Pababantayan na din kita sa secretary ko para naman--"

"'Wag na po, 'Pa." mabilis na tanggi ko. "Bibisita naman po ako kay Tita Amelia. Baka din po doon muna ako ngayong sembreak."

Actually, 'di 'yun totoo. Hindi ko nga ma-kontak si Tita dahil busy din ito.

"Ganoon ba? Mag-ingat ka, ah." tumango ako at saka naman niya ginulo ang buhok ko. "I love you."

My heart swells by his sincere words that I threw myself into his arms. Me and my father has a strange father-daughter set-up. But, with this visit before leaving the country, it does makes me happy.

Umalis na din si Papa pagkatapos nun. Sumaglit lang kasi ito ng dalaw rito sa apartment para makapagpaalam ng maayos. Kahit gabi na dahil galing sa trabaho, nakakatuwa pa din na naalala niya ako.

Pagkasara ko ng pinto ay napabuntong-hininga ako bago bumalik sa loob. Bukas na kaagad ang TV at nakaupo na sa kama si Cinderella. Medyo nakabusangot dahil naputol 'yung pinapanood niya kanina nang biglang dumating si Papa.

Niligpit ko na lang ang mga gamit na pinagkainan namin ng cake. Buti nga at may natira pa kahapon na dala ko kaya naibigay ko pa kay Papa. Hinayaan ko na muna ang hugasin sa lababo, wala namang pasok bukas sa cafe kaya bukas ko na gagawin.

"Dummy," biglang tawag nito kaya nilingon ko ito bilang sagot. "Why don't you wish to have a perfect life? To be accepted by your father's relatives and everything. Para naman 'di ka nag-iisa."

Ah, so nakinig talaga siya sa usapan namin ni Papa.

Ngumiti na lamang ako. "Hindi na. Masaya na ako sa ganito. Tsaka, mas maigi nang ganito. Ayukong makagulo sa kanila."

"Pero hanggang kailan ka magiging masaya sa ganitong buhay?" balik niya na siyang ikinatigil ko.

Kagat-labing nag-iwas na lamang ako nang tingin bago patayin ang ilaw. Naupo sa ibaba ng kama at napatitig sa labas ng bintana. Sa madilim na kapaligiran.

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now