Chapter 10: A Life For A Life

163 22 2
                                    

AKIO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AKIO

Nakahalumbabang tinitigan ko ang malalayong kabahayan habang hawak ang litrato noong araw na iyon. Napabuga ng hangin at muling ibinaling ang mata sa sariling litrato na hawak ko. Pinakatitigan ang gilid nito kung saan ko nakita ang malabong imahe na iyon.

Sobrang labo niyon kaya 'di ko nakita ang mukha niya. Ang matamis na ngiti lamang sa labi nito ang nakita ko. At hanggang ngayon, sa 'di ko malamang dahilan ay nakarehistro pa din iyon sa utak ko. 'Di maalis.

Ngunit gaya noong araw na iyon, wala na ang imahe ngayon. Naglaho iyon ng sandaling mapabaling ako sa ibang direksiyon. At mula noon, 'di na iyon bumalik. 'Di ko na nakita pa.

'Di ako sigurado kung sino iyon. Pero malakas ang pakiramdam kong siya nga iyon. My mother who died few months after (they thought) I died. As I said, it was already 200 years ago, and the memory was already lost. I can't remember her. Or anyone. I can barely remember my own life before I became like this.

May mga kapatid ba ako? Maayos ba ang buhay namin noon? Naging mabuting anak ba ako sa kabila ng naaalala ko na isa akong malaking bully? Saan ba ako noon nakatira? Anong pinagkakaabalahan ko noong mga panahong normal pa ako?

Wala na akong maalala.

Remnants..

Naalala kong sabi ni Dummy noon. At 'di ko maiwasang mapabuga ng hangin sa isiping iyon. Nakakaasar naman. Buti pa siya may hairclip na pagmamay-ari ng ina niya. Eh, ako? Wala man lang kahit na ano. Tanging itong litrato na ito na para sa akin ay wala ding halaga.

Kung pwede ko lang talagang makita ang nakaraan ko. Kung pwede ko lang sanang balikan ang buhay ko 200 years ago kahit panandalian lamang. Kung pwede lang tal--

Ah, sh*t!

Mabilis kong hinigit ang cellphone ko sa bulsa ko at tinitigan ang oras. Nang mapagtantong malapit na ang nakatakdang oras ay nagpipindot ako sa screen nito para makita at matawagan ang nag-iisang numero na naka-save roon. Ilang beses pa iyong nag-ring bago mamatay.

'Wag naman sanang tulog na iyon.

Muli kong sinubukang tawagan siya. At kulang nalang talaga ay itapon ko ang gamit na ito dahil sa hirap na gamitin. Ba't nga ba ako may cellphone? Sa tagal nang nag-improve ang teknolohiya ng mundo, ngayon lang ako nakagamit nito. Sabi kasi ni Dummy na tawagan ko siya kapag ayuko daw tumupad ng mga kahilingan.

Napag-usapan din naman kasi namin 'to minsan. At nasabi ko sa kanya na minsan gusto ko lang matulog at hindi magpunta sa kung saan-saan ako tinatawag. Kaya sabi niya kung gusto ko daw ay tawagan ko siya para siya naman ang tumawag sa akin. At tumambay ako sa boring niyang bahay.

Well, not that nagrereklamo ako. Since wala naman akong mapupuntahan, mas maiging doon nalang sa bahay niya. Kesa naman sa doon ako sa puno sa kagubatan na pinamamahayan ng mga alitaptap. Naiirita din kasi ako sa mga kasama ko roon.

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now