Epilogue: Aftermath

263 27 2
                                    

ALTHEA

"Cinderella!!"

"What the--don't call me like that!"

"Come on, I'm already starving. Give me my food."

"Ba't ba kasi nandito ka?" naiiritang wika ko sabay lapag ng pagkain sa mesa. "The hell are you barging here in my apartment?"

"Tambay." tipid at bagot na sagot naman ni Marlou na nakaupo sa kama ko. "At makikikain na din."

"Oo nga! Tsaka, you promised to go shopping with me today." nakangising sabat ng kapatid kong si Melanie na naghahalungkat sa drawer ko. "And I know, kung hindi kita pupuntahan rito para kaladkarin papunta roon, your damn ass bitch will ditch me."

"Language, please." saway ko na may pag-ikot pa ng mata. "Tsaka, kaya ayaw kong sumama mag-shopping dahil alam kong gagawin mo akong taga-dala ng mga pinamili mo."

"Hindi kaya!" angil naman nito sabay nguso sa lalaking nakaupo sa kama. "Kaya nga sinama ko 'yan, eh. Para may katulong tayo."

"Teka!" angil na din ni Marlou. "Akala ko ba si Thea ang Cinderella dito? Ba't ako magiging katulong?"

"Will you please stop calling me Cinderella? I am not." dismayadong saway ko. "And Melanie, stop ramaging through my stuffs!"

"Heh? You went to US? Egypt? London? And, holy cow, Disneyland!?" bulalas niya nang mabuksan ang isang box at itinapon pa sa lapag ang laman nito.

"To what?" kunot-noong bulalas ko't napalapit na din sa kanya.

Bumaba na din sa kama si Marlou at nakitingin na din sa sandamakmak na litrato na laman ng box na hindi ko alam na meron pala ako noon. Ngayon ko lang nakita 'tong mga litrato na ito bukod sa limang nasa side table ko't naka-frame.

"And here I thought, that this photos was just cosplay's." nakangiwing turan ni Marlou sabay turo sa frame sa side table. "Pero mukha talagang nagto-tour ka around the world ng 'di namin alam!"

"Actually, I don't remember any of this." kibit-balikat na sagot ko saka dumampot ng isang litrato. "Kung hindi mo pa nga 'to nilabas, 'di ko malalaman na meron ako nito."

"Still, these are a lot of photos. Tapos ikaw lang nasa frame." ani Melanie na winawagayway ang isang picture sa hangin. "And it's weird na may mga picture na wala namang kwenta dahil either payong ang nasa frame o kaya naman ay upuan lang."

Nagkibit-balikat na lamang ako at tiningnan na din ang mga litatro. There's a lot. Photos around the world na hindi ko alam kung paano ko napuntahan at paano ko nakuha. At kung titingnan, hindi siya mukhang edited o ano man lang. Dahil kuha siya sa polaroid camera kaya siguradong totoo ito.

"Anyway, 'wag na natin 'tong ikalat. Kainin niyo na 'yung pinaluto ninyong fries at maliligo muna ako." sabi ko pagkaraan sabay tayo.

"Maaga pa naman para umalis, ah." pagsingit ni Marlou.

"Para hindi tayo gabihing umuwi mamaya." sagot ko. "If I know, kapag si Melanie ang nag-shopping, hindi 'yan uuwi kapag hindi napupuntahan ang bawat sulok ng mall."

"Hey!"

"Oh, ano? Angal ka?" asik ko na kanya namang ikinasimangot.

Naiiling at natatawang pumasok nakang ako ng banyo para maligo. Kahit naiinis sa bigla-bigla nilang pagdating, 'di ko naman pwedeng pagtabuyan silang umalis. Lalo pa ngayong ginagawa talaga ni Melanie ang lahat para maging maayos kaming dalawa.

She's still that brat and bitch, but she's fine now. And we're starting to get fine, too. Even her relationship with Marlou had spring to another level. Parang kailan lang iritang-irita itong lalaking 'to sa kapatid ko. Pero ngayon, dinaig na nila ang mag-tropa.

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now