Chapter 4: Unfortunate Events

205 22 0
                                    

ALTHEA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALTHEA

Napasigaw ako nang makita ang oras sa alarm clock. Lagpas 7am na naman! Ba't na 'di na naman 'to tumunog kanina!? Mali-late ako neto, eh!

Mabilis akong bumangon at humugot ng damit sa closet ko. Mabilis na naligo at nagsipilyo na din. Kahit tumatagaktak pa ang tubig mula sa basa kong buhok ay lumabas na kaagad ako ng banyo suot ang uniform ko. Inilagay ang mga gamit sa bag saka isinukbit sa balikat ko.

Di na ko nag abalang sipatin ang sarili sa salamin at kaagad na isinuot ang aking sapatos. Bitbit ang suklay na lumabas ako ng apartment at patakbong bumaba ng hagdan. Nagsusuklay ako habang tumatakbo sa daan tungo sa malapit na bus station.

Sana talaga makaabot ako dahil pag hindi, talagang lagot ako sa prof namin ngayon. Patay din long quiz ko kapag na-late ako dahil di na ako papapasukin pa.

Kainis. Kainis. Kainis. Kainis!

"Sandali po! Sandali!" pagsigaw ko nang makita ang kakaandar palang na bus. "Pasakay ako! Sandali!"

Ameee!! Tumigil ka please! Pasakayin mo na naman ako!

Hinabol ko ang bus na di pa naman ganoon kabilis ang takbo. Sigaw ako nang sigaw at kaway nang kaway sa pagbabakasaling mapapansin ako ng sasakyan at hihinto ito.

"Sandali! TIGIL!" pagpalahaw ko.

At 'di ko alam kung ikatutuwa ko ng huminto ang sasakyan 'di kalayuan. Mas binilisan ko ang takbo ko para abutan iyon, at kung minamalas nga naman ay may kasabay pa ako. Ameee! Mukhang puno na, ah!

"Kuya, pasakay naman ako. Kahit tayo nalang, may long quiz po kami ngayon, eh." hinihingal na pakiusap ko sa driver. Nagpunas ako ng pawis sa noo or baka tubig lang galing sa buhok ko. "Please po?"

Maawa ka naman sa akin, Kuya. Pagbigyan mo na ang kawawang babae na ito.

"O siya, sige. Pasok na." napipilitang turan niya. Ngumiti nalang ako at pumasok sa bus, kahit alam kong ayaw ni Kuya Driver.

Ayos na 'yun. Basta makasakay ako at makarating sa school. Basta mauna ako sa prof namin na makapasok sa classroom, titiisin ko na lang 'to.

Tinamaan din naman ata ako ng kaunting swerte dahil may bumabang pasahero kaya nakaupo ako. Kahit sa pinakalikod iyon, ay napahinga naman ako ng maluwag. Sinuklay ko na ng maayos ang buhok ko at ginamit ang ipit na iniwan sa akin ng yumao kong ina.

Pinunasan ko na din ng maayos ang buhok ko na tumatagaktak pa sa tubig pati na ang mukha at leeg ko na basa ng pawis na hinaluan din ng tubig. Para akong basang sisiw sa lagay ko ngayon. Pero iintindihin ko pa ba 'yun gayung nagmamadali ako?

Natanaw ko na din ang babaan ng malapit sa campus kaya nagpara na 'ko kaagad. Bago bumaba ay kinuha ko muna ang wallet ko para makapagbayad ng pamasahe. Sana lang talaga may barya ako para 'di na ko matalagan pa at..

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now