Chapter 9: Remnants Of Our Past

160 25 1
                                    

ALTHEA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALTHEA

"May exam ka bukas, hindi ba?" biglang sabi ni Marylou na ikinahinto ko. Marahan akong tumango na kanyang ikinangiti. "Sabi ni Manager Anne, umuwi ka daw ng maaga para makapag-aral. Wag ka mag-alala 'di naman daw ibabawas sa sweldo mo."

Isa sa mga rules and regulations na meron ang cafe namin ay iyong pag-uwi ng maaga kapag may exam kami kinabukasan. Since 'di naman magkakapareho ang schedule namin at magkakaiba din ang course ng tatlong nasa college, hindi rin sabay-sabay ang mga exam. Kapag ganoon, talagang pinapauwi kami para may oras kami na mag-review.

"Ayos lang ba? Eh, wala si Ms. Levi, baka.." nahinto ako sa sinasabi ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay sinalubong ako ng mga gamit ko.

"Sige na, maaga din naman magsasara ang cafe." inaantok na sabi ni Kuya Mio. Halos itulak pa ako palabas ng cafe sa ginawa niya. "Pagnalaman 'to ni Levi, ako naman ang mayayari."

Wala na din naman akong nagawa kundi ang umuwi na lamang lalo na nang ibigay sa akin ni Manager Anne ang isang paper bag. Laman niyon ang malamig na milktea na madalas kong iuwi. Kumindat pa iyon bago ako iwanan. At 'di ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Habang nasa bus ako ay 'di ko naiwasang 'di pakatitigan ang paper bag at mapabuntong-hininga pagkaraan. Nang makita ko ang isang lalaki na kumakain ng burger ay tinagka ko pang ibigay ang dala ko. Pero ewan ko ba, 'di ko ginawa.

Sa totoo lang kasi, 'di ko naman alam kung ano ang gagawin ko rito. Hindi ako umiinom nito dahil 'di ko gusto ang lasa. Wala din naman akong pag-aabutan nito pagkauwi ko. Wala naman doon ang mokong na iyon. Alam kong masasayang lang 'to.

But, whatever. I'll just throw it out or hand it over to one of the girls in the apartment.

Madilim ang pasilyo sa second floor ng bahay pagdating ko. Wala ding ilaw sa ibang mga silid, siguro nasa school pa ang mga iyon. Tsaka, anong oras palang naman. Its just around 7pm. At ang alam ko, ang uwi din ng mga iyon ay mamaya pang 9 or 10pm.

"Sana pala 'di na muna ako umuwi," sabi ko sa sarili ko ng ilabas ko ang susi ng apartment ko. "Doon na lang sana ako nag-aral sa cafe at--"

"At balak mo akong pag-antayin rito hanggang mamaya!?" napatalon ako sa biglaang pagsigaw na iyon. Halos itapon ko pa ang hawak kong paper bag sa sobrang gulat.

Ameee! Who the heck is that!

Marahan kong sinipat ang may ari ng tinig na iyon at napansin ang bulto ng tao sa gilid lamang ng pinto. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ang labis na pagkunot ng noo nito.

"C-Cinderella!?" bulalas ko ng matamaan ng liwanag ang mukha nito. "A-anong ginagawa mo dito!?"

Umirap lamang ito at inilagay sa bulsa ang isang kamay. May hawak siyang plastic sa kabila at paismid na tinuro ang nakasara pa ding pinto. Nagugulumihang tumitig naman ako rito pero napakaripas din ako ng galaw ng sumama ang tingin nito.

Made a Wish at 11:11 (Complete)Where stories live. Discover now