Simula

210 49 35
                                    

A N T H O N Y

"C'mon bro! Ang kill joy mo talaga," pagpupumilit pa sa akin ni Leo na sumama sa kanila papunta sa bar.

They said that we need to refreshen our selves after this finals that's why they want us to go to the bar.

Psh, kung matulog nalang sila, mas nakaka-refresh pa tuloy yun.

"Isang case lang naman eh," gatong ni Syd. Silang dalawa yung namimilit na uminom. I glanced at Martin who is just laughing at us, at them.

"Payag naman na si Martin eh, ikaw nalang hindi Antho--" biglang napahinto sa pagsasalita si Leo at natulala. Huh? Anong nangyari dito? Naengkanto na ata to sa sobrang ingay.

I glanced at Syd who is now smirking. Okay? What's with them?

The whole parking lot is now covered with silence. Kaming apat lang naman din yung nandito at sina Leo at Syd lang naman yung maingay sa amin dito.

"Para kayong mga tanga," Martin broke the silence. Bigla namang napakurap-kurap si Leo kaya humagalpak ng tawa si Syd.

Childish dorks asf.

"Na-starstrucked ata si Leo sa crush niyang si Avy," natatawang sambit ni Syd. Agad naman nanlaki yung mga mata ni Leo sa sinabi ni Syd.

"Sydron!" sigaw niya dito dahilan para tumawa lalo yung dalawang kumag. Napailing nalang ako sa mga inaasta nila. Para silang mga highschool students.

I just grab my cigarette. I was about to light it up when a petite lady stopped walking in front of me and snatched the cigarette from my mouth. What the heck?

"Diba bawal mag-sigarilyo sa loob ng campus premises? And also! Hindi maganda sa kalusugan ang paninigarilyo, okay?" I raised my eyebrow at her. Napahinto naman sa pag-iingay yung tatlo nang makita nila ang ginawa sa akin ng babaeng nasa harap ko.

Umigting muna ang panga ko bago magsalita.

"Who are you? Why are you meddling in my life?"I said calmly. She cleared her throat then smiled at me.

"I'm Dawn Avyrielle and just like my name, I am your first beam of light in your dark sight," she said and handed me a box with a ribbon on it. I creased my forehead because of what she did.

"Sana basahin mo yan, bye!" nakangiting sambit niya bago umalis. Tinitigan ko naman yung box na binigay niya. Weird.

This is weird. Why did I felt some electricity the moment our eyes met? She's weird. I am weird.

~*~

"Ayoko na nga bro! Suko na ako!" halos mapapikit ako sa sobrang ingay ng bunganga ni Leo.

Panay reklamo kasi siya. Bakit daw lumapit sa akin yung crush niya. He's pertaining to the weird girl a while ago.

I just sighed while staring at the box that she gave. Hindi ko pa tinitignan kung anong laman nun.

"Ang daya talaga!" sigaw nanaman niya. Aish, kung pwede lang tahiin yung bunganga niya.

"Stop whinning Leo," saway sa kaniya ni Martin pero bumusangot lang siya.

"She looks pale," biglang sabi ni Syd. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Isa din to, wala din lagi sa usapan yung mga pinagsasasabi.

"Sino bro?" tanong ni Martin.

"Si Avy. She looks pale," tugon naman ng isa.

Oo nga, napansin ko din yun. Ewan ko lang kung namumutla ba siya o sobrang puti lang talaga niya. She looks like a korean to be honest.

"Pale yet beautiful," dugtong ni Leo sa sinabi ni Syd. Syd just shrugged his shoulders.

"Pale yet beautiful tapos hindi ikaw yung gusto," pang-aasar ni Martin kaya sinapak siya bigla ni Leo sa braso.

"Ang daya naman kasi talaga eh! Pinopormahan na pala ni Anthony yung crush ko nang hindi ko alam," I looked at him with a blank expression.

"Siya ang pumoporma sa akin, hindi ako," hindi nakapagsalita si Leo matapos marinig yung sinabi ko. Bumuntong hininga nalang ako at hinawakan yung kahon. Buksan ko na ba ito?

"Edi ikaw na gwapo! Bahala ka nga diyan, sayo na si Avy, madami naman akong reserba," I bet that Leo is now smirking at us. Parang tanga.

Lumapit naman sa akin yung tatlo nang buksan ko na yung box. Para silang mga tsismosang palaka kasi halos magtulukan na sila para lang makasilip sa laman ng kahon.

Kumunot yung noo ko nang makita ang sandamakmak na mga liham. Huh? Why on earth did she made letters as this much?

"Love letter pre!" Syd exclaimed.

"Alam ko g*go! Huwag mo ako sigawan sa tainga," Leo responded.

Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha yung isang papel sa loob. Yun lang yung hindi nakaenvelope.

Anthony, sana'y basahin mo ang nilalaman ng bawat liham sa kahon na iyan nang sa gayon ay maging parte ako ng mundo mo kahit sa sandaling panahon lamang.

                              -Dawn Avyrielle

"Hala bro--," I glared at Leo when he started to talk. Ngumiti nalang siya sa akin at umayos ng upo.

Kung hindi ko pa napigilan yun kanina, mag-uumpisa nanaman yun mag-ingay.

Kumuha ako ng isang envelope at binuksan yun. Curiosity started to tickle me as I read the first line. Ano ba talagang mayroon sa kaniya? Bakit niya ako binigyan nito eh isang beses palang naman kami nagkita. Kanina yung unang beses ko siyang nakita.

"Minamahal kong Antonio,"

***


Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon