ANTHONY (1)

82 32 16
                                    

"Bro! Hindi ka pa ba matutulog diyan?" I heard Syd yelling. Nasa sala pa ata sila.

Anong oras na ba?

Tinignan ko yung wrist watch ko at agad na nanlaki yung mga mata ko nang makita kong ala-una y media na pala. Nawili ata ako kakabasa.

I checked my phone to see what will be my schedule for tomorrow's classes and thank goodness! 1 pm pa start ng first class ko.

I stared at the latest letter that I've opened. Twelve letters na yung nabasa ko at may seventeen letters pa na natitira sa box.

I got hesitant if I'll continue reading o ipagpabukas nalang. Anong oras na din na kasi.

Gusto kong bukas nalang basahin pero may nagtutulak sa akin na ituloy ko pa. Dinampot ko nalang yung 13th letter and stared at it. I was about to open it when my door suddenly opened.

Nagulat ako sa ginawa ng kumag na to p*ta.

''O bro? Gising ka pa din pala? Himala ata at nagpuyat ka ngayon ah? Si Martin din, andun sa labas gumagawa ng thesis niya, tag-habol si mokong," natatawang sambit ni Syd. Lumapit siya bigla sa akin pagkatapos magsalita kaya agad kong itinabi yung box na naglalaman ng mga letters.

I don't want them to read this. Nung sumisilip sila dito kanina sa labas, walang pasabi akong pumasok dito sa kuwarto ko. Sa tingin ko kasi, para sa akin lang talaga dapat tong mga liham na to. Walang iba ang pwedeng makabasa kundi ako lang.

"Still reading the love letters?" Syd asked. I sighed before answering him.

"These are not love letters." tipid kong sagot at inumpisahan nang ligpitin yung mga papel. Nakita ko namang tinaasan ako ng kilay ni Syd. He really acts like a gay psh.

"Huwag ako Anthony. Huwag ako," aniya kaya kinunutan ko siya ng noo. Iwinawasiwas pa niya sa harap ko yung dalawang kamay niya.

"Anong huwag ikaw? I didn't do anything on you," napatigil naman siya sa sinabi ko. He suddenly flicked my forehead that's why I glared at him. Inaano ko ba siya?

"Bakit ka bibigyan ng babae ng mga liham kung hindi naman pala love letters? Marami na akong naging babae bro at lahat sila, mga love letters yung binibigay sa akin," he said. I took a glance at the box first before answering him.

"Girls are different Sydron. I'm also different from you. Malinaw din sa mga liham niya na wala siyang kahit na anong romantic attraction sa akin. She even mentioned that she also don't know why she's writing letters for me so stop fussing around Sydron Louis," pagpapaliwanag ko at humiga na. Magtatakip palang sana ako ng unan sa mukha ko nang biglang hablutin ni Syd yung unan na hawak ko. What the hell?

"Edi iba na kung iba. Pero bro, hindi ka ba nagtataka kung bakit ka niya binigyan niyan? Tingin mo ba na wala lang talaga yung mga letters na yan para sa kaniya? Na wala siyang nais na iparating sayo?" sunod-sunod na tanong ni Syd.

"Para kang tsismosong kapitbahay," naasar kong sabi sa kaniya.

"C'mon Anthony. Alam kong naiisip mo din yang mga naiisip ko," he said which made me sighed.

To be honest, naisip ko din yang mga sinabi niya. I know that she's not dumb and weird in order to do this things for me. Sino ba naman kasing matinong tao ang magsusulat ng mga liham para lang sa wala?

"Lumabas ka na nga," walang ekspresyon kong sabi sa kaniya. Hindi naman na siya nangulit pa. Tinapik muna niya yung balikat ko bago lumabas.

~*~

Gustong-gusto ko nang sikmuraan si Leo na walang tigil na kakaasar dito sa tabi ko. Andito kami ngayon sa campus grounds para makapagpahinga ako ng saglit. I need some air. Inaantok pa ako.

"For the first time! Anthony Velasco really looks like a zombie!" he laughed hard after saying those things. Nahihiya ako para sa kaniya at alam kong ganun din sila Martin. Feeling ko nga, kaunti nalang, bubusalan na ni Syd si Leo ng panyo sa bunganga.

I looked at my wrist watch to check what time is it and surprisingly, it's already 12:27 pm. Ilang minuto nalang, mag-uumpisa na yung klase namin pero wala pa din ata ako sa wisyo. Feeling ko makakatulog ako nito sa klase.

This is her fault! Argh!

"Diba si Avy yun?" biglang nagising yung diwa ko nang biglang magsalita si Martin. Avy? Does he mean, Avyrielle?

"Oo nga pre! Ayun oh!" sigaw nanaman ni Leo at may tinurong babaeng naglalakad palabas ng campus. Tinitigan ko siya ng mabuti at tama nga sila, she was the girl that snatched my cigarette yesterday. The one who tickled my curiousity and made me confused.

Dawn Avyrielle. You're weird and creepy. Kaunti nalang, iisipin ko nang stalker ka. Why do you always know about me? The events in my life and even my family? Why are you writing letters for me? Who are you?

***

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon