Epilogo

101 28 34
                                    

[Please listen to the song: Nag-iisang Muli by the band Cup of Joe. The video is on the media. Credits to the owner of the video]

UPDATE: New Version

--- ♡ ---

St. Ignatius University
Metro Manila Philippines
Ika-12 ng Abril 2020

Mahal kong Dawn Avyrielle,

     This is my 30th letter for you since I started writing my response for your letters. Sorry kung late na to ha?

     Alam mo ba? Andito ako ngayon sa school gymnassium, may practice kasi kami ng basketball. Pero don't worry! Tapos na namin yung training kaya bago umalis, naisipan kong sumulat muna sayo.

     Nagtataka ka siguro kung bakit may training pa din kami kahit summer na. Gusto kasi ni Coach ng mas puspusang training ulit para sa laban this July. Lagi naman siyang ganiyan, dati pa diba? Pft, kung andito ka lang sa tabi ko, siguro panay reklamo ka nanaman. Ayaw mo kasi akong napapagod diba? Sayang lang at wala ka na.

     You know what Dawn? I really miss you. We may not be together in the end but promise, hindi na ulit kita bibiguin. Susundin ko lahat ng mga bilin mo. Tutuparin ko na lahat ng pangako natin sa isa't-isa. Sa katunayan nga, ginagawa ko na nga yung iba eh.

     I'm sorry if I failed as your boyfriend. I'm really sorry. Minsan nga, naiisip ko na kung hindi ba ako dumating sa buhay mo, mahihirapan ka ba ng ganito? Siguro andito ka pa din sa mundo kung hindi ko ginulo yung tahimik mong buhay.

     They tend to say that if we forget a person by our brain, we can still remember them with the help of our heart. Do you believe in that?  Siguro totoo nga yan. Nung araw kasi na inabot mo sa akin yung mga liham mo, may kung ano akong naramdaman sa katawan ko. Korni at cheesy man pakinggan pero nakilala ka ng puso ko. Naging interesado ako bigla sa mga liham mo. Nagtaka nga mga kaibigan ko kasi for the first time, nakita nilang nagkainteres ako sa bigay ng isang babae. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa mga ganun eh.

     Dawn means the first appearance of light before sunrise. Gaya ng lagi mong sinasabi, you will always be my first beam of light. Thank you for being my light, for always guiding me towards a clearer path.

     I hope that you are now at peace Dawn. Ang liwanag ko. Salamat at sa ikalawang pagkakataon, muli mo nanaman akong ginising sa katotohanan. Muli mo nanaman akong ginamitan ng liwanag mo sa huling pagkakataon. I still love you Dawn. I love you and I always do. Until the end, I promise that I'll be with you no matter what. Even if it is too late.

Hanggang dito nalang muna. Araw-araw naman na akong susulat sayo eh kahit alam ko na hindi mo na mababasa to. Te amo, mi amor.

Nagmamahal,
Antonio

--*--

"Ayos na siguro to?" bulong ko sa sarili habang paulit-ulit na binabasa yung liham na sinulat ko para kay Dawn.

Andito ako ngayon sa bleachers ng Gymnassium. Katatapos palang kasi ng training namin. Nahirapan pa akong maghanap ng bolpen at papel para magsulat. Inasar pa nga ako ng mga team mates ko nung nakita nila yung ginagawa ko eh.

It's been a month since I realized everything. Isang buwan na din pala ang nakalipas matapos kong maalala ang lahat dahil kay Dawn.

"Captain! Una na kami ah?" pagpapaalam sa akin ng mga ka-team mates ko kaya tinanguan ko naman sila.

Lumabas na din ako ng gymnassium at nagtungo sa parking lot. Pupunta ako ngayon kay Dawn para ibigay tong sulat na to.

Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse ko, biglang bumalik lahat ng alaala namin ni Dawn. Napangiti ako habang hinahayaan ang sarili na lumuha.

She was my light and happiness. I'm really lucky that I once have her yet she was unfortunate to have me and I'm very sorry about that.

Pinunasan ko na yung luha ko. Nakakabakla haha!

Inumpisahan ko nang magmaneho patungo sa kung saan siya nagpapahinga ngayon. Ilang minuto din ang naging biyahe ko bago makarating doon.

Bumaba na ako sa sasakyan ko at bumili muna ng bulaklak at kandila para sa kaniya.

"Ate, can I have one bouquet of tulips and roses? Magkano din po itong violet candles? Can I buy some?" I asked the vendor. Binentahan naman niya ako. Ngumiti muna ako sakaniya bago tuluyang tahakin ang daan patungo kay Dawn.

Ang dami din palang nangyari sa isang buwan na iyon. Nagalit ako sa pamilya ko dahil sa paglilihim nila sa akin. I isolated myself pero lagi kong napapanaginipan si Dawn. Parang pinapahiwatig niya na palamigin ko yung sarili ko at patawarin ko na yung pamilya ko kaya iyon ang ginawa ko.

"Asaan na ba yung susi?" tanong ko sa sarili habang hinahanap ko sa bulsa ko yung susi sa gate ng bahay ni Dawn. Amy lended me a copy of Dawn's Keys para kapag dadalaw ako, hindi ko na kailangang dumaan sa kanila para lang manghiram ng susi.

Maayos na din pala yung nasa pagitan namin ng Kuya niya at Amy. Nakiusap kasi pala sa kanila si Dawn na sana, huwag sila magtanim ng sama ng loob sa akin kaya sinunod nila yun.

Pumasok na ako sa loob at agad na nagsindi ng kandila para sa kaniya. Tinitigan ko yung picture niya na nakapatong sa ibabaw ng himlayan niya.

"You really look cute when smiling," nakangiting pagkausap ko sa kaniya. I hope that I can still see that smile of yours even though it is already impossible.

"Dawn, may sulat nanaman ulit ako sayo ah? Sorry kung sobrang late na ng mga tugon ko," sabi ko ulit na para bang nasa harap ko lang siya. Lumapit na ako sa box na ginawa ko sa tabi ng mga upuan at hinulog na doon yung liham na sinulat ko gaya ng mga ginawa ko sa mga naunang liham ko para sakaniya.

Umupo ako sa tabi niya at inilapag na yung mga bulaklak.

"Diba favorite mo itong roses and tulips? May dala nanaman ako para sayo," mahinang pagkausap ko sakaniya. Naramdaman ko nanaman na lumamig yung buong paligid ko kaya alam kong andito lang siya.

"Mahal ko, alam mo ba? May naka-book akong ticket papuntang Paris. Sa Mayo yung lipad ko. Diba pangarap natin yun na pumunta doon at panoorin yung eiffel tower? Tutuparin ko yun para sayo," tuloy-tuloy pa din ako sa pagkausap sakaniya.

"Ang daya mo Dawn. Iniwan mo akong nag-iisa. Kasalanan ko din naman eh haha," nagbabadya nang tumulo yung mga luha ko habang kausap siya.

"Mag-isa kong tutuparin mga pangarap natin ah? Tutuparin ko yun para sayo, kahit sa ganung paraan, sana makabawi ako," hindi ko napigilan. Tumulo na yung mga luha ko. Kay Dawn lang ako umiyak ng ganito.

"Dawn Avyrielle, kung pwede lang pakasalan yung patay, gagawin ko eh hahaha," sinubukan kong magbiro. Naramdaman kong mas lalong lumamig yung paligid.

"Nag-iisa na ulit ako. Wala ka na sa akin. Pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako, I realized that I was a walking failure not until I met you."

Agad na nanlaki yung mga mata ko nang makita ko siyang nakaupo sa tabi ko matapos kong punasan at kusutin yung mga mata ko.

Sinubukan ko siyang hawakan pero bigla siyang nawala.

"Please be happy Anthony. Mahal kita Antonio ko,"

Napapikit ako nang marinig ko yung mga tinig niya. I smiled as I embraced myself.

"I will Dawn. Para sayo, magiging masaya ako. Mahal din kita," bulong ko sa kawalan. I glanced at her picture in front of her grave, sana sa gagawin ko, mapangiti ulit kita ng ganiyan.

"Maghintay ka lang Liwayway ko. Ako naman ang magsasakripisyo sayo. Babawi ako. Tutuparin ko lahat. Hinding-hindi na ulit kita makakalimutan, pangako."

--- End of Book 1 ---

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon