Ika-labing dalawang Liham

77 34 0
                                    

Villa San Rosario,
NCR Philippines
Ika-3 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     Ang informal ng mga liham ko no? Yung tipong kumpleto nga yung parts pero sa nilalaman, puro kalat lang HAHAHA.

     Nakauwi na pala kami sa Village namin. Gawd! Akala ko magtatagal pa kami dun sa Guevarra Heights. Maganda sana siyang lugar kaso ang daming mga bisita, mga turista! Nakakasuffocate kapag may gatherings sa main lobby. Jusko Anthony, kung andun ka lang, baka pinagpyestahan ka na ng mga babae doon charot! HAHAHA.

     Kailan pala ulit start ng training niyo? Next month na laban diba? Pwedeng manood ng training? Magprapractice lang din ako doon. Hindi bilang basketbolista kundi taga-cheer. Aba! Dapat praktisado din ako, hindi puwedeng kayo lang HAHAHA. Always take care Anthony :)

Ang iyong taga-suporta,
Dawn Avyrielle ^-^

(Ps: Ang ganda ng tinta ng bolpen ko ngayon no? Violet na siya! Baka sa susunod na araw, green naman gamitin ko. Ang plain kasi tignan kapag black lang eh hihi)

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon