ANTHONY (2)

72 30 17
                                    

"Simbahan ng Quiapo? Bilihan ng puto?" I creased my forehead after reading the 22nd letter. Kailan yun? Wala na akong maalala.

She's right. I can't remember those informations that she said. Ano ba talaga gusto niyang iparating?

Nilagok ko yung isang basong beer na nasa lamesa. Nag-iinuman kami ngayong magkakaibigan sa bahay. Semestral Break na din kasi.

"Titig na titig si Pareng Anthony sa mga liham oh. Bro, ano? Alam mo na kung bakit ka niya sinusulatan?" tanong sa akin ni Leo. Umiling lang ako sakaniya bilang sagot.

"Woah! Ilang araw ka na ba nagbabasa niyan?" Syd asked. I looked at him before answering.

"Dalawang linggo na," I simply replied. Nanlaki naman yung mata ng tatlo. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Two weeks?! Dude ilang piraso lang yan tapos inabot ka na ng dalawang linggo kakabasa diyan? Mabagal ka ba magbasa?" I just heaved a sigh after hearing Leo's words.

"Tanga ka ba?" tanong ko dito. Tumawa naman yung dalawa matapos marinig yung isinagot ko kay Leo. Sinamaan lang ako ng tingin ni Leo bago uminom sa baso niya ng beer.

"Bakit naman ako naging tanga, ha?!" halos sumigaw na siya dahil sa sinabi ko that's why I chuckled. Tanga nga.

"I got busy reviewing my notes. Nanghiram pa nga ako sayo nung nakaraan ng libro eh," napatango naman yung tatlo matapos marinig yung sinabi ko. Nagulat ako nang bigla akong batukan ni Syd.

G*go ba to? Inaano ko ba siya?

"Dahan-dahan sa pag-aaral pre. Alam na naming matalino ka, pero huwag mo namang gawing 'sobrang' matalino yung sarili mo. Ang tagal pa ng exams natin tapos nag-aaral ka na? Edi ikaw na!" ani Syd. Sinamaan ko nalang siya ng tingin bago ko ibalik ang atensyon ko sa kahon ng mga liham na nakapatong sa lamesa.

"Back to the topic, ilang liham na ba nabasa mo?" singit ni Martin habang nagsasalin ng alak sa baso niya. Kumuha muna ako ng isa pang liham para magbasa na ulit. There are seven letters left.

"Twenty-two," I responded.

"Seryoso ka bang hindi loveletter yang mga yan?" tanong nanaman ni Leo. Umiling lang ako bilang sagot.

"Kung hindi loveletter, edi ano? Anong intensyon niya para sulatan ka ng ganyan?" tanong nanaman ni Martin. Nagkibit balikat nalang ako sa kanila. She didn't mentioned what she really wants to say in the past letters that I've read.

Binuksan ko na yung envelope at inumpisahang basahin yung nilalaman. I creased my forehead after reading the content.

Ano ba talaga gusto mong iparating sa akin? Sino ka ba talaga, Dawn Avyrielle?

***

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon