ANTHONY (5)

94 29 44
                                    

"To Dawn. Dawn Avyrielle," kaswal kong sagot at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Dali-dali akong pumasok sa kotse ko at naabutang nagtitingin ng mga litrato si Amy mula sa cellphone niya.

"Ayos na?" she asked when I started the engine. Tumango naman ako sakaniya bilang sagot.

Naging tahimik ang buong biyahe namin. Medyo madilim na din, ala-singko na din na kasi ng hapon.

"Hello Ma? Tapos na po akong kumain. Ha? Pupunta ako ngayon kay Avy, namimiss ko na siya eh. Opo, uuwi din po ako pagkatapos, mga alas-otso nandiyan na ako. Bye," napatingin ako sandali kay Amy nang may sinagot siyang tawag. Nanay niya siguro yung tumawag.

"Ihahatid nalang kita pauwi sa inyo mamaya," turan ko habang nasa daan yung mga mata.

"Nah, huwag na. May masasakyan naman ako doon pauwi," she said.

"Delikado kasi pagabi na. Hatid nalang kita. No buts," I insisted kaya wala na siyang nagawa.

"Bakit pala hindi na sainyo nakatira si Avy?" I asked out of sudden. Base kasi sa narinig kong usapan nila ng nanay niya, nakatira pa din si Amy kasama ang pamilya niya.

"You'll know later," tipid niyang sagot. Hindi ko nalang siya pinilit pa at itinuon yung atensyon sa pagdadrive.

Ilang minuto pa ang lumipas bago namin narating yung lugar na sinasabi niya kung nasaan si Avy.

"We're here," she said as she went out of the car.

Tinignan ko yung kabuuan ng lugar dahilan para mapalunok ako ng sarili kong laway.

What happened to her? Bakit siya nandito?

Pumasok na kami sa malaking gate at isang mahaba't tahimik na kalsada ang sumalubong sa amin. May binili muna si Amy bago bumalik sa tabi ko at nag-umpisang maglakad.

She lead me the way towards a small violet house. May maliit na gate doon kaya binuksan iyon ni Amy.

Parang nadurog yung puso ko nang makita ko ang mukha ng babaeng hinahanap ko. Nakangiti siya sa amin.

"Avy, andito na si Anthony. Sorry twinny kung ngayon ko lang siya nadala dito," ani Amy habang nagsisindi ng kandilang binili niya kanina sa harap ng isang puntod.

"S-She's dead?" hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan namang tumango si Amy sa akin.

"She died last week," aniya habang nakatingin sa portrait ng kakambal niya. She looks pale in that picture but I can still sense her positive vibes there.

"A-Anong d-dahilan?" my voice cracked when I asked her a question again. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala yung mga luha ko.

"Brain Trauma. Akala namin noon na tumigil na sa pagdugo yung utak niya matapos ang insidenteng iyon. Nga pala, naalala mo na ba yung tungkol sa aksidenteng nangyari sa inyo years ago? Yun kasi yung naisip ko kanina nung dumaan tayo sa bahay niyo," she asked. Tumango naman ako.

Kasama ko si Dawn noon sa aksidente?

Magtatanong palang sana ako kay Amy nang biglang sumakit nanaman yung ulo ko kaya umupo muna ako sa upuang nandoon at napapikit.

[Flashback: 2018]

She was wearing a white dress as she came out from her house. She gave me a sweet smile as she walked towards me and hugged me.

"Ayos lang ba itsura ko?" she asked me then pouted. I gave her a peck on her lips before answering.

"Higit pa sa salitang ayos yung itsura mo ngayon," I said. Bigla naman niya akong hinampas at tumawa ng malakas.

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon