Ika-labing tatlong Liham

72 33 3
                                    

St. Ignatius University,
NCR Philippines
Ika-4 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     Nakita kita kanina papapasok sa Gymnasium ng campus, awie start na ba ng training niyo? Sisilip sana ako kaso paepal si Chloe eh, hinila na ako papunta sa room namin kasi malelate na daw kami. Terror kasi professor namin sa Social Science eh.

     Katatapos palang ng klase namin ngayon at buti nalang, same room pa din kami. Hindi na kailangang lumipat sa Room 2-AB kasi gosh! Nakakapagod kaya yung akyat-baba HAHAHA. Wala akong magawa kaya sinulatan nalang kita ng liham dito. Wala din naman akong ibang makausap na ka-blockmates ko.

     Nga pala, balita ko, napaaway ka daw kahapon? Totoo ba yun? Nako Antonio ha! Pinalaki ba kitang palaaway? (charot). Kumusta panga mo? Masakit ba? Nagkapasa ka ba dahil sa away? Jusko! Wag mo ngang hayaang magalusan yang mukha mo at hangga't maaari, idaan muna sa magandang usapan yung lahat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag na huwag kang makikipag-basag ulo. Para kang walang pinagaralan nun. Okay?

Osya! Andito na prof. namin, babye muna. Always take care Anthony :)

Nagmamahal at Nag-aalala,
Dawn Avyrielle

    

    

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon