ANTHONY (3)

83 31 27
                                    

Bigla kong nabitawan yung huling liham na binabasa ko at agad akong napahawak sa sintido dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. F*ck! Lasing na ba ako?

"Bro ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Martin pero hindi ko siya pinansin.

Kilala mo na ba ako?

Kilala mo na ba ako?

Kilala mo na ba ako?

Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung huling katagang sinulat ni Dawn Avyrielle. Napapikit ako nang mariin matapos kong marinig yung boses niya kasabay ng pag-flash ng mga pangyayari sa utak ko.

"I love you so much Antonio..."

"I love you too Dawn Avy---"

"ARGH!" napatayo ako bigla matapos magpakita ng pangyayaring iyon sa isipan ko. Gulong-gulo na ako! Ano bang nangyayari sa akin?

Sino ka ba Dawn Avyrielle? Bakit kahit tapos ko nang basahin yung mga liham mo, hindi pa din kita maalala? Makilala?

"Hoy Anthony, Ayos ka lang ba?" bigla akong hinawakan ni Syd sa braso matapos kong sumigaw. I sighed multiple times before I decided to stand and get my keys.

"Hala g*go, don't tell us na aalis ka? Damn you Anthony! Lasing ka, hindi magandang magdrive ng la---"

"I don't f*cking care about my situation right now. Hindi ko na kayang pigilan yung kuryosidad ko. Hindi ko na alam tong nangyayari sa akin at kasalanan to ng mga p*nyetang liham na yan," pagpuputol ko sa mga sinasabi ni Syd. Halata naman nagulat sila sa ginawa ko. Maski ako, nagulat din sa mga ginagawa ko. Darn it! Lasing na talaga ata ako.

"Leo," I saw how Leo got startled after I calles his name. Napalunok naman siya bago ako harapin.

"A-ano yun?" he stammered as he responded at me.

"Avy was once your blockmate right? Do you---"

"Hindi na siya pumapasok bro," napahinto ako sa sasabihin ko matapos marinig yung sinabi ni Leo. Hindi naman talaga dapat yun yung tanong ko pero bigla akong nagtaka kung bakit hindi siya pumapasok.

"Why?" I asked him but he just shook his head and shruggled his shoulders. Napapikit nanaman ako dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko.

"Do you know her address?" I asked him. Gusto ko siyang puntahan at kausapin tungkol dito. Naguguluhan na talaga ako.

"Himala ata bro at nagkainteres ka bigla sa babae ah? Dahil ba sa mga liham niya kaya mo siya nagustuhan? Ikaw ha? Liham lang pala ang katapa---"

"Just give me her f*cking address," I cutted his words. Address lang naman kasi hinihingi ko, ang dami na agad satsat, tsk!

"Villa San Rosario Subdivision ata yun siya bro. House number thirty-five. Yan yung nakalap ko noong panahong crush ko pa siya," sagot sa akin ni Leo. Napatango naman ako at agad na  sumakay sa kotse ko para pumunta sa sinasabing subdivision ni Leo. Ang alam ko, malapit lang sa University yun.

I drove as fast as I could. Hindi ko na pinapansin yung kalasingan ko. Alam ko din naman ko na kaya ko pang kontrolin yung sarili ko.

"Aaaah sh*t," napakagat ako ng labi nang bigla nanamang kumirot yung ulo ko at sunod-sunod na nagpakita ang iilang mga pangyayaring alam kong hindi pa naganap sa tanang buhay ko.

"I-I like you D-Dawn. Sobra,"

"Pft. Para kang baklang nauutal. Gusto din kita Antonio. Ayieee, kinikilig siya HAHAHA"

"Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ko sa sarili. Mayroon ba akong hindi maalalang mga nangyari sa akin noon?

I glanced at my wrist watch to check what time is it. Alas-tres na pala ng hapon. Ilang oras nalang pala, mag-gagabi na.

Hinanap ko yung sinasabing subdivision ni Leo pero nahihirapan akong hanapin kung saan yun. Umabot na ako sa University namin kaso wala akong makitang arko ng Villa San Rosario habang tinatahak yung daan patungo dito.

Patuloy lang akong nagdadrive nang bigla nanamang sumakit yung ulo ko kaya dali-dali akong napapreno. Nang makontrol ko na yung sakit ay iginilid ko muna yung sasakyan. Baka madisgrasya pa ako nito ng wala sa oras.

"Bakit mo tinapakan yung sapatos ko?"

"Bakit mo din tinapunan yung damit ko?!"

"I didn't do it on purpose,"

"Kahit na! Namantsahan pa din ako tsk!"

I closed my eyes again after a scenerio popped into my mind. Para silang mga lost memories n bigla-bigla nalang nagsisibalikan sa akin.

I badly want to talk to Dawn Avyrielle. I really need to ask her a couple of questions. She's weird and mysterious.

Agad akong napalingon sa gilid ng sasakyan ko nang makita ang isang babaeng dumaan. Tinitigan ko siyang mabuti at agad na nanlaki yung mga mata ko nang mapagtantong siya yung babaeng nag-abot sa akin ng mga liham sa parking lot. Si Dawn Avyrielle!

Kahit nahihilo ay lumabas ako ng kotse ko at hinabol yung babaeng   naglalakad. She must be Avy. I'm sure.

"Miss sandali!" hindi ko na napigilan yung sarili ko na sumigaw kaya huminto yung babaeng hinahabol ko. She looked at me with a confused face as she creased her forehead.

"Ako?" nagtatakang tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Nang maabutan ko na siya ay hinihingal akong humarap sa kaniya.

"Y-You're Dawn Avyrielle. Right?" hinihingal pa din ako habang kinakausap siya. Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata at bigla siyang napatakip ng bibig matapos kilalanin kung sino ako.

"A-Anthony? Teka, uminom ka muna ng tubig," she said and handed me a bottle of water. Tumango naman ako bago ko tanggapin yung tubig at ininom. Medyo nawala din yung pagkirot ng ulo ko dahil doon.

"Long time no see ah?" aniya kaya mas nagtaka ako.Why does she acts like she didn't gave me a bunch of letters? Hindi man lang ba niya i-oopen up yung tungkol doon?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Para saan yung mga liham? Bakit mo ako binigyan nun?" I asked her straightly. Her small lips formed into an 'o'. Binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti bago sagutin yung mga tanong ko.

"She really gave you the letters huh? Pft sabi ko na nga ba eh," agad naman akong nagtaka dahil sa sinabi niya. Nagmamaang-maangan ba siya?

"Anong pinagsasasabi mo? Sinong she?" I asked her. She sighed and met my gaze.

"Si Avy," she answered casually.

"Avy? Bakit? Hindi ba ikaw si Avy?" I asked her again. Baka nililito nanaman niya ako.

My heart skipped a bit when she looked at the ground before answering me.

"I'm not Avy. I'm Amy. Dusk Amyrielle, her twin sister,"

***

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon