Ika-dalawampu't walong Liham

65 30 13
                                    

Manila City
NCR Philippines
Ika-26 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     This is my 28th letter for you. It's almost a month since I started writing letters for you. Maganda ba yung kwinento ko? Tuloy ko na ha kahit alam mo namang naging sila hehe. Sorry kasi hindi talaga ako magaling magstory-telling HAHA!

     So ayun, cliche lovestory diba yung nangyari sa dalawa? Yung tipong dahil sa pagiging aso't pusa nila, nadevelop yung nararamdaman nila sa isa't-isa. Actually, hindi inaaasahan ng lalaki na magugustuhan niya yung babae kasi intensyon lang talaga niya na mang-asar. He was totally a jerk. Marami siyang babaeng inaaasar at iniiinis noon kaya laking pagtataka niya na nahulog yung loob niya sa babae. Yung babae naman, una palang talaga, tinamaan na siya sa lalaki.  Naging crush niya na yung lalaki noong unang beses palang silang nagkita pero agad din niyang binawi yung nararamdaman niya nung inumpisahan na siyang pikunin araw-araw ng lalaki.

     Naging magkaibigan sila noong nakita ng lalaki na umiiyak yung babae sa hagdanan ng campus nila. Balak sana niyang asarin yun kaso mukhang may pinagdadaanan yung babae. Tinanong ng lalaki yung babae kung bakit siya umiiyak. Noong una, ayaw pa magkwento ng babae pero napilit din. Nagkagulo yung pamilya ng babae dahil sa pag-aagawan sa mana ng namayapa niyang lolo. Umabot sa puntong nagkatutukan pa ng baril yung tito at papa niya. Natatakot yung babae sa kung anong pwedeng mangyari kaya pinagaan ng lalaki yung loob ng babae. Yun ang umpisa ng pagkakaibigan nila (tho, hindi pa din nawala yung araw-araw nilang pagtatalo.  In short, pinanindigan na talaga yung pagiging aso't pusa HAHA).

     Fast forward na tayo. Isang araw, ika-12 ng Disyembre taong 2016, umamin yung lalaki sa babae. Sinabi niya na may nararamdaman siya at laking tuwa niya na ganun din yung babae sa kaniya. Niligawan niya yung babae at saktong ika-12 din ng Disyembre 2017, naging sila na. Sinagot siya ng babae sa harap ng Simbahan ng Quiapo kung saan sila unang nagkita.

May tanong ulit ako sayo. Anthony, kilala mo na ba ako? :)

Nagmamahal,
Dawn Avyrielle

    

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon