Chapter Two
Present time...
Cebu City, 2019.
HINDI magawang makapag-focus ni Krista sa pagkausap ng mga kliyente. Dalawang beses siyang pumalpak at ilang beses nagkamali sa pagpapaliwanag. Halatang-halata na lutang siya! Nakakahiya sa mga kliyente niya!
Napasabunot siya ng buhok at naghintay na lang bumuka ang lupa para kainin siya. Ngunit, asa pa siya. Kahit lupa, hindi siya lalamunin dahil nakakahiya siya ngayong araw.
Buong buhay niya, never siyang napahiya sa trabaho. Ngayon lang!
Kanino puwedeng isisi? Sa magaling niyang asawa, siyempre!
Si Hugo na nasa ospital pa rin dahil mino-monitor pa ito ng ilang espesyalista dahil sa amnesia nito! At walang humpay ang pagtawag sa kanya ng ospital para daw puntahan si Hugo, dahil wala itong ibang kamag-anak para mag-asikaso dito.
Krista picked up her phone and tried to call Hugo's friends. Pero kahit isa, walang sumasagot! Napakagaling!
"Pisti!" Sinabunutan niya lang ulit ang sariling buhok dahil iyon lang ang kaya niyang gawin sa mga panahong ito.
Bakit? Bakit ngayon pa na-aksidente si Hugo? Bakit ngayon pa nawalan ng alaala kung kailan hindi na sila maayos? Kung kailan wala na siyang maibibigay kahit pisong pag-ibig?!
Nag-ring ang cellphone niya.
"Hello?" walang ganang tugon niya.
"Mrs. Baldemor, parang awa niyo na po, bisitahin niyo na ang asawa niyo," desperadang kausap sa kanya ng babaeng nurse na sa boses ay mukhang may edad na. "Please, Mrs. Baldemor. Wala siyang ibang kamag-anak. Hindi niya rin ma-contact ang mga kilalang kaibigan. Bumalik na ho kayo. Kailangan din kayo makausap ng doktor para sa mga dapat niyong gawin upang maging mas mapabilis ang recovery ng asawa niyo."
Napasandal siya sa swivel chair. Napatingin siya sa kisame. Wala na siyang maisip na valid reason para hindi balikan si Hugo sa ospital.
May kung anong kumukurot din sa dibdib niya sa tuwing babanggitin ng nurse na walang kasama si Hugo. Kahit gaano naman siya kainis o kagalit, hindi nagbabago ang katotohanan na siya na lang ang natitirang kamag-anak ni Hugo.
"Mrs. Baldemor? Nandyan pa 'ho ba kayo? Misis, balikan niyo na 'ho ang asawa niyo."
Parang double meaning.
Napabuga siya ng hangin. "P-Pasensya na at naabala ko kayo ng ganito. Sige 'ho. Papunta na 'ko ng ospital."
Tumayo siya at inayos ang mga gamit. Wala naman siyang sinusunod na office hours sa trabaho niya. Kaya kahit anong oras puwede siyang umalis basta't walang kliyente.
Dumaan muna siya ng grocery store para bumili ng kaunting pagkain para kay Hugo. Siya pa din ang gumagastos para dito! Buwiset.
Kailangan niyang gumawa ng listahan nang lahat ng gagastusin niya kay Hugo mula ngayon!
Pagdating sa ospital, agad siyang dumiretso sa private room ni Hugo. Dalawang araw na mula nang aksidente. Ngayon na lang din siya nakabalik.
Pagpasok niya ay nabungaran niya itong nanonood ng TV. May semento pa rin ang binti, ngunit napansin niyang naghihilom na ang mga sugat at pasa nito sa mukha.
Napatingin ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata. "Hala, Miss. Welcome back!"
Ipinatong niya sa lamesa ang mga pinamili. "Gusto mo ng prutas?" Naglabas siya sa recyclable tote bag ng mga pinamiling prutas.

YOU ARE READING
Remember to Remember
RomanceHugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Published October 2021 under FGW Publishing Camp