CHAPTER EIGHT
MEETING POINT.
Natigilan si Krista nang makita ang pangalan ng bagong coffee shop ng kaibigan ni Hugo.
"Sa susunod na buwan pa ang official opening nito, sabi ni Troy," ani Chad. "Pero dahil kompleto tayong tropa ngayon, tayo ang magbibinyag!"
"Nakaka-excite! Dati pangarap lang 'to, ngayon totoo na!" natutuwa pang sabi ni Ryan. "O, pasok na tayo!"
Pumasok na ang dalawa sa glass door. Bago sumara iyon ay hinawakan na ni Hugo ang door handle at binuksan nang mas maluwag iyon.
"Una muna maganda," nakangiting sabi nito sa kanya.
"Si Troy ang nakaisip nang pangalan ng coffee shop?" tanong niya dito.
"Hindi ko lang sure," sagot naman ni Hugo. "Ayos 'no? Ang catchy."
Pumasok na siya at saka sumunod ito.
"Yo, Hugo boy! Musta na? Naalala mo pa 'ko?" bungad ni Troy sa kanila. Eksaktong binubuksan nito ang inverter ng coffee shop.
"Sa lahat nga ng puwede kong makalimutan, ikaw pa ang tumatak, boy!"
Nag-fist bump ang magkaibigan at saka siya binalingan. "Ganda mo ngayon, Krista, ah!"
"Ngayon lang?"
Natawa ang apat.
"Eh, ngayon lang ulit kasi kita nakita. Pero paganda ka nang paganda. Kaya di ko maintindihan paano kang nakalimutan ni Hugo."
Pinaghila siya ni Hugo ng upuan sa puwesto na malapit sa bar counter. "Ang theory ay baka daw pinasama ni Krista ang loob ko bago ang aksidente. O siya ang huli kong iniisip nang kumakaway na ang angel of death."
"Baka ikaw ang nagpasama sa loob ni Krista, boy."
"Truth," aniya at saka tumingin sa menu cards na nasa ibabaw ng lamesa.
"At bago ka siguro ma-aksidente, iniisip mo siya. Kasi nag-iisip ka ng paraan kung paano siya susuyuin," theory naman ni Chad.
"Puwede, puwede!" tumango-tango pa ang apat na unggoy.
Hinila ni Hugo ang upuan nito at tumabi ng upo sa kanya. "Pinasama ko loob mo? Sorry, babe. Kiss na kita."
Kiniskis niya sa nakausling nguso nito ang makapal na menu card. "Ayan, kiss mo."
"Lagot ka, boy!" kantiyaw ni Troy habang natatawa. Ganoon din sina Chad at Ryan. "Alam ko na, Krista, may drink diyan na pinangalan ko sa inyo ni Hugo. Baka kapag nainom mo, eh, mawala tampo mo sa tropa namin."
"Gusto ko 'yan, boy!" sabi ni Hugo.
"I gotchu, boy!"
"Baka naman may halong gayuma iyan," masungit niyang sabi.
"Isang teaspoon lang siguro," Hugo joked.
Nagtawanan na naman ang mga ito.
"May inumin ka ba diyan na magpapaalala sa'kin kay Krista?" sabi ni Hugo.
"Nako, boy! Wala pa 'kong supplier ng magic. Gayuma pa lang."
"Paano delivery ng gayuma, dude?" nakakalokong tanong ni Ryan.
"Via walis tingting siguro," sagot ni Chad.
"Fast flying delivery!" hirit pa ni Hugo.

YOU ARE READING
Remember to Remember
RomanceHugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Published October 2021 under FGW Publishing Camp