Chapter Eleven

19.1K 1K 375
                                        

CHAPTER ELEVEN

Siquijor Port, 2016.

"NAKAKUHA na 'ko ng ticket," nakangiting imporma ni Hugo sabay taas ng nabili nitong ticket pabalik ng Cebu.

"Sa Bohol na talaga tayo magkikita?" pagkukumpirma pa ni Krista. "Baka naman hindi ka na sumunod? Baka paghintayin mo 'ko sa wala, Hugo?"

"Ngayon ka pa magda-doubt? Binigay ko na nga first kiss ko sa'yo kagabi."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "First kiss mo mukha mo."

Natawa ito at niyakap siya. Then, Hugo planted a gentle kiss on her temple.

Kagabi, nang nagka-aminan na sila, sinagot niya na ito ng diretso. Bakit pa ba patatagalin ni Krista? Sobrang obvious namang gusto nila ang isa't isa.

Medyo nagulat lang din si Hugo na hindi na nito kailangang dumaan sa panliligaw. Na-shock pero sa sobrang tuwa, hinalikan siya!

And she kissed back. Bakit? Aarte pa? Enjoy naman.

"Bago mo pa 'ko ma-miss, magkasama na ulit tayo," Hugo assured her.

Napatungo si Krista at nilaro-laro ang butones ng ma-bulaklaking polo nito. "Nami-miss na nga kita ngayon pa lang..." mahinang sabi niya.

Nag-angat siya ng tingin kay Hugo at nakitang matagumpay ang ngiti at dimple nito.

Umirap siya pero niyakap lang siya ulit nito sa baywang. He kissed her forehead. "Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko, pupunta agad ako sa'yo. Pangako."

Tumango siya at yumakap pabalik dito. Nang kailangan na nitong sumakay sa fastcraft, tumingkayad si Krista at mabilis na hinalikan ang labi nito.

"Oy!" gulat si Hugo. "Isa pa nga."

Natawa siya at tinulak ang mukha nito. "Alis ka na nga, Sir! Ingat, ha! Mamahalin mo pa 'ko."

"Yes, Miss!" Hugo chuckled and let go of her. "Ingat ka rin."

Pagkuway tumalikod na ito at pumasok ng port.

Kumaway pa siya at kumaway din ito pabalik hanggang sa nahalo na 'to sa mga pasahero.

Tumalikod si Krista at humanap ng tricycle na masasakyan pabalik sa resort.

May isa siyang namukhaan na tricycle driver. "Ate Isla?"

Napalingon ito. "Ma'am! Kumusta? Nakahanap ka na ba ng asawa?" Naalala pa siya nito!

Natawa siya at sumakay sa tricycle nito. "Kahahatid ko lang sa prospect ko maging asawa."

"Na-gayuma mo, Ma'am?"

"Parang ako ang ginayuma, Ate."

Nagkatawanan sila at saka niya sinabi na pahahatid siya pabalik ng Descanso. Along the road, komportableng nakipagkuwentuhan si Krista kay Ate Isla ng tungkol kay Hugo. Pagdating sa resort ay binayaran niya ito ng doble.

"Nako, Ma'am, salamat! At sana'y tumagal at magkatuluyan po kayo ni Sir Hugo."

"Sana talaga, Ate. At sa'yo ko ipapangalan ang babae naming anak."

Natawa ito. "Ipagdadasal ko 'yan, Ma'am. Sana din ay magtuloy-tuloy ang ligaya niyong dalawa. Huwag mo na pakawalan, Ma'am!"

Pagka-alis ng tricycle ay pumasok na si Krista sa resort. She ate her breakfast, then went for a swim in the sea. Isang oras bago ang tanghalian, umahon siya at naligo.

Remember to RememberWhere stories live. Discover now