Chapter Twenty-Four

22.8K 1.1K 407
                                        

CHAPTER TWENTY-FOUR

Many months ago...

NAPABUNTONG-HININGA si Hugo nang matapos ang trabaho para sa araw na 'yon. Nahilot niya ang sentido at napasulyap sa digital clock na nasa ibabaw ng lamesa niya. Alas-siyete na pala ng gabi.

Overtime ulit. Siguradong pag-uwi niya, hindi niya na kayang ipagluto ng hapunan si Krista... Pero sigurado din naman siyang hindi na ito maghahapunan sa bahay... Madalas, sa labas na lang ito kumakain kasama ang mga kliyente nito.

"Hindi ka pa uuwi, Sir Hugo?" tanong ni Gab, katabi niya ng cubicle.

"Hindi pa, Sir Gab," sagot niya, pinilit makangiti. "Kakausapin pa daw ako ni Mr. Tubio," tukoy niya sa head manager ng accounting team nila.

"Siguro tungkol na naman iyan sa Harrison Holdings. Gustong-gusto ka ng kompanya na 'yon, Sir! Lipat ka na doon."

Bahagya lang siyang napangiti. Sumandal siya sa office chair at nag-inat-inat. "Ang laki nga ng offer, Sir. Kaso sa Manila naman. Hindi ko naman madadala asawa ko doon."

Parehas na hindi gusto nina Hugo at Krista ang buhay sa Manila. Cebu lang, sapat na!

"Aga mo kasing nag-asawa," tawa nito. "Thirty-three ka lang, hindi ba? Sa'ting mga lalaki, peak pa 'yan ng pagka-binata natin. Busy pa lang dapat tayo sa career. Lalo na wala naman tayong expiration date."

Nakitawa lang si Hugo. "Eksakto lang din siguro, Sir. Kung hindi ko pa pinakasalan asawa ko, three years ago, baka naagaw pa ng iba."

Napatingin ito sa desk niya kung saan may picture ni Krista. "Nako, sobrang ganda naman niyang misis mo. Sige, naintindihan na kita. Pero sayang talaga alok ng Harrison."

Napag-isipan niya na rin ng ilang beses 'yon. Mas mabilis siyang makakaipon sa kasal nila ni Krista sa simbahan. Mababayaran niya rin agad si Troy para sa coffee shop na pinatayo niya sa Siquijor...

Kaso, hindi pa nga alam ni Krista na bumalik na siya sa pagiging accountant. Ilang beses na lang niya gustong aminin pero...

Hindi naman na nakikinig sa kanya ang asawa... Halos hindi na sila nagkikita sa bahay nila, partida bungalow pa lang 'yon. Mas pinipili na nito ang trabaho ngayon kaysa sa makasama siya...

Mas lalo tuloy siyang na-discourage na i-approach ang asawa. Hugo felt... alone, again. He's been isolating himself these past few months from his friends and Krista because he's dwelling with his insecurities and fears. Nang handa naman na siyang makipag-usap, at saka hindi na nakakausap si Krista.

Inalukan pa nga siya ng annulment noong isang buwan! Gusto niyang intindihan na baka pagod lang ito kaya nasabi 'yon, pero... ang... sakit...

Ang sama-sama ng loob ni Hugo sa asawa pero hindi naman niya gustong makipaghiwalay!

"Sir Hugo, pinapatawag na po kayo ni Mr. Tubio."

Agad na sumunod si Hugo sa sekretarya ng head manager nila. As expected, pinagsabihan lang siya ni Mr. Tubio na darating daw ang CEO ng Harrison Holdings sa susunod na linggo at gusto sana siyang makausap. Hindi tungkol sa pag-aalok ng mataas na posisyon sa accounting department pero para daw magpagawa ng simpleng video ad.

"Nakarating sa kanila na naging freelance content creator ka. With sidelines in creating advertisements. Kaya gusto ka sana nilang subukan," ani Mr. Tubio. "Since that's your personal business, here's Mr. Harrison's email and number. Ikaw nang bahala kung tatanggapin mo."

Remember to RememberWhere stories live. Discover now