Chapter Twelve

19.5K 1.1K 308
                                        

CHAPTER TWELVE

"SUMASAKIT pa ba ang ulo mo?"

Humiga si Hugo at pinikit ang mga mata. "Medyo nahihilo na lang. Pero keri na."

Napangiti si Krista at umupo sa gilid ng kama nito. "Sigurado ka bang hindi kita dadalhin sa ospital?"

"Tinawagan naman natin si Dra. Santiago," tukoy nito sa psychiatrist nito sa Cebu. "Ipahinga ko lang muna daw 'to. Nagulat lang daw talaga ang brain sa pagbalik ng memories."

Napabuntong-hininga siya. "Lahat na ba naaalala mo?"

"Mula sa nakilala kita hanggang sa nag-propose ako ng kasal, iyon pa lang." Napangiti si Hugo. "Pagkahalik mo sa'kin kanina, parang magic ang buhos ng mga alaala. Grabe, halik lang pala ang gamot sa amnesia ko! Kailangan ko yata ng daily dose hanggang sa bumalik lahat."

"Loko!" sabay hampas niya sa braso nito. "Seryoso kasi tayo dito, Hugo."

"Totoo naman, eh! Pag-kiss mo nga sa'kin, parang may trigger. Boom! Welcome back, memories. Welcome back, feelings!"

"Feelings?"

Dumilat ito at tinignan siya. Bahagyang pumungay ang mga mata nito at nagpa-cute ang dimple. "Naalala ko din lahat ng nararamdaman ko mula sa mga memories na bumalik. Doon pala tayo sa in-house restaurant kanina unang nagkakilala? Tapos, ito din pala 'yung eksaktong kuwarto mo noon na nakitulog ako. Pero behave lang ako."

Naalala na nga nito!

Napakurap-kurap siya.

"Tapos, love na love mo 'ko, eh," ngisi ni Hugo sabay turo sa kanya. "Ikaw na laging unang nagki-kiss sa'kin pagkatapos ng first kiss natin. Aggressive ka pala, Miss, ha?"

"Parang may gusto akong hampasin sa ulo ngayon para magka-amnesia ulit."

Ang lakas ng tawa nito. "I knew I loved you before I met you," biglang pagkanta nito. "I think I dreamed you into life... I knew I loved you before I met you, I have been waiting all my life!"

"Wala ka pa sa tono!" Inirapan niya ito. "Magpahinga ka na nga."

Natawa ito at nagkumot hanggang leeg. "Alam ko na kung bakit iniba ko bigla ang plano ko sa buhay ko. Kung bakit hindi na ako aabot ng forty para lumagay sa tahimik. Naaalala ko na bakit pinakasalan kita agad pagkatapos ng isang buwan."

Hindi kumibo si Krista at nanatiling hindi tumitingin kay Hugo.

"Mahal na mahal kasi talaga kita."

Napalunok siya at napalingon dito. Nakapikit pa rin ang mga mata nito pero nakangiti ang mga labi. It was like, he's happily watching the recovered memory.

"Kapag tinanong ako sa fast talk kunwari, cheeseballs o Krista? OMC! Ikaw ang pipillin ko agad!" dagdag pa nito. "Ikaw na ang profile picture ko sa Facebook. Na-dethrone ang cheeseballs. Babe, ikaw lang malakas!"

"Malakas din ako sumapak nang pinagpapahinga ng doktor pero hindi nagpapahinga."

"I knew I loved you before I met you," kanta na naman nito.

"Hugo, magpahinga ka na kasi!"

Tawa na naman ito. "Ang sarap naman maalala kung saan tayo nagsimula." Nagtakip ito ng kumot hanggang labi at parang batang gumulong-gulong sa kama. "Kilig ako!"

Pinalo niya ito sa puwet. "Huwag ka kasing malikot, Hugo! Baka sumakit na naman 'yang ulo mo! Pagbantay lageh!"

Umayos na ulit ito ng higa. Dinilat nito ang mga mata at tinignan siya. "Miss pretty babe, sabi mo kanina ayaw mo na ng annulment. Tapos hinalikan mo 'ko—wait. O tignan mo, ikaw na naman ang nag-initiate ng kiss!"

Remember to RememberWhere stories live. Discover now