Chapter 7

287 15 9
                                    

Today is the day I will be performing about what he taught me. Nakaupo lang ako pero iyong isipan ay hindi mapakali.

Next to me is my friend who's not feeling what I felt. Pasimple lang siyang nakaupo at hindi pinoproblema ang kung anumang mangyayari.

I reminded myself a lot of times to not feel nervous. Pero parang balewala lahat nang iyon dahil bukod sa kinakabahan ay natatakot din ako.

Bitbit ko iyong gitara ni Enzo. Hindi niya kinuha sa akin iyon kahit ibinalik ko na sa kanya. He said I can still use it to maintain my performance. Sana nga lang ay mairaos ko ng maayos mamaya.

"Good luck. Alam mo namang suportado kita, Tan." She tapped my shoulder, assuring me that she's just here to support me.

"Walang hiya ka talaga. Hinatak mo lang ako papasok sa club na 'to tapos hindi ka pala sasali? Laki ng ambag mo, ano?" inis ko sa kanya pero tumawa lang. Inirapan ko ito saka matamang naghintay sa oras ko.

We've been sitting here for half an hour already. Sa dami ng sumali rito ay hindi ako sigurado kung marami ba ang nakapasok.

Mamayang hapon pa kasi ilalabas iyong results ng official members. At hindi naman ako umaasang mapapasali ang pangalan ko doon.

"Pareho lang tayong makikinabang if ever. Saka ayaw mo nun? Makikita mo ng harap-harapan si Isaac." Siniko niya ako saka inasar habang nanonood ng mga nagpe-perform.

Ako na rin ang susunod at mas lalong dumoble ang kaba ko nang natapos na iyon. Agaran akong tumayo. Enzo is just beneath the head of the club, boredly watching every performances.

Napalunok ako ng matigas bago naupo sa nag-iisang upuan na nasa harapan. His eyes went to me, watching my move. Napaayos rin ang kanyang upo agad saka nakakrus ang brasong natuon na ang atensyon sa akin.

"Uh. Good day po. I'm Tania Shiraz and uh... playing a guitar for today."

I bit my lip to not feel shy while starting to position the guitar. Napasulyap ako kay Enzo na binigyan ako ng mahinang tango.

Huminga ako ng malalim saka sinimulang tumugtog. Inisip ko lahat ng mga importanteng naituro niya sa akin pati iyong naging advice niya.

It was smooth at first but I played it well though I'm not using the pick. Hindi ko rin inisip iyong mga nanonood para hindi ako mas lalong kabahan.

Almost all of the students are here. Alam kong ang tanging pakay lang nila ay si Enzo. Some are just here to watch us.

At kahit tutok ako sa ginagawa, alam kong sa akin ang lahat ng atensyon. I can feel their eyes are focused on me. I made it not as a hindrance to finally end it well.

My performance is just 3 minutes long. Nang natapos na ako ay nagsipalakpakan silang lahat bago ako umupo sa pwesto ko kanina. Para akong nabunutan ng tinik dahil natapos ko na.

They congratulated me, except for Enzo who's watching seriously. Part of me expected that he'll say the same but nothing happened.

Okay lang. Siya naman ang dahilan kung bakit maayos kong nagawa iyon. I know what I did was a piece of cake for him. Pero hindi naman ako umaasang magiging official member na ako dito.

I watched the previous performances and they're really talented. Mukhang sa lahat nang nandito, kami lang ng kaibigan ko ang naligaw.

I was dragged to be here. Labag sa kalooban ko pero heto, nagpupursiging maging myembro na.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now