Chapter 20

261 12 0
                                    

"Ayoko. I can drive home alone.Kaya kung pwede ay tumigil ka na?" I hissed, already losing my patience. Hindi pa rin niya magawang umalis upang harangan ang pinto mula sa akin.

Napabuntong hininga siya saka napailing-iling. The aircon made me shiver more, lalo pa't sando lang iyong suot ko.

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. There's this irritated look on him. Hinarangan ko gamit ang braso sa parteng dibdib kung saan na nakadako ang tingin niya ngayon.

"Manyak! You're staring at my chest!"

"As if I touched them? Go and change your clothes. I'll just buy some dinner."

"Huwag na, uuwi naman ako. Save that money of yours."

I rolled my eyes and sat on the bed. Masyadong may kalakihan iyong kwarto at hindi ko alam kung paano niya nagawang mag-book kaagad. Parang pinlano pero hindi lang ako sure kung sinundan niya ba talaga ako o ano.

He looked at me intently. Hindi ako nagpatalo sa kanya at mas lalong tinarayan. There's no way I'll be spending my night with him. Huwag ngayon.

"No. Just follow what I said."

"Tatay ko nga hindi ako mautusan tapos ikaw, kung makapag-demand parang ikaw gumawa sa 'kin, ah?"

Napahilamos ito sa mukha na tila nagtitimpi lang sa akin. I gave him my sarcastic smile before asking him where his extra shirt is.

It is a plain white loose shirt and that's the only thing I've seen from his small bag. Hinalungkat ko pa iyon kung mayroon ba kaso wala na akong nakita. Tanging iyong bag saka gitara niya lang ang nandoon.

Kahit sa kotse ko ay wala rin akong dala. Ugh. So much hate for this situation.

"Fine. I'll sleep here. Ayokong makipagtalo sa'yo. That's a bad idea. In one condition," I said.

"Anything you want."

Since there's only one bed and it's a king size, still, I don't want him to sleep beside me. Never.

Napasulyap ako sa sofang naroon saka napangisi.

"You'll sleep there," turo ko doon. Nalipat ang kanyang tingin. "Deal?"

Hindi siya nagdalawang isip at sumang-ayon sa akin.

Lumabas ito ng room saka iniwan akong naliligo sa banyo. Doon ako mas natagalan sa pagligo. Iyong buhok ko ay nanlalagkit na nang dahil sa tubig dagat.

It was already 30 minutes when he knocked on my door. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagliligo nang gawin niya iyon.

"What?" sigaw ko habang naliligo pa rin sa tubig.

"You have your other undergarments here. You can get it."

Siguro iyon na ang magandang nangyari dito, ang magkaroon ako ng undergarments. I won't sleep wearing the same thing.

Pinatay ko na ang shower saka ipinulupot ang tuwalya sa katawan. Binuksan ko ang pinto saka nakita sa isang upuan kung saan nakapatong iyong sinasabi niya.

Agad kong kinuha iyon saka ininspeksyon. A pajama and undergarments indeed. I have no choice but to wear it. Ayoko rin namang mamaho rito kaya titiisin ko ang kagandahang loob niya.

Nadatnan kong nakaupo na ito sa maliit na mesang naroon. In front of him are the foods that he bought.

Probably seafoods. Napalunok ako ng laway nang makita kung gaano karami iyon, hindi dahil sa natatakam ako kundi dahil hindi ako masyadong kumakain niyon.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now