Chapter 10

255 12 9
                                    

"What are you doing here?" tanong ko. Instead of answering me, he just handed the plastic.

Nagtataka kong tinignan iyon. As far as I know, hindi naman ako nagpadala sa kanya. "Paano mo nalamang dito ako?"

"I asked your friend."

Then Reese came up to my mind. Palihim ko siyang minura dahil talagang kahit kailan ay handang sabihin kung nasaan ako. She wants me to not have a peace of mind or making Enzo to have a chance to talk to me.

"Thanks but I'm not hungry. You can eat that. Sorry." Binigyan ko siya ng kalahating ngiti at akma nang isasara ang pinto. He stayed, still quiet and didn't move.

"I personally brought this here then you'll reject it?"

Naurong ang gagawin ko. I opened the door widely again and then narrowed my eyes while looking at him.

Nakaabot pa rin iyong plastic sa akin na mukhang hindi balak alisin iyon kapag hindi ko tinanggap.

Para tuluyang matahimik na siya ay tinanggap ko iyon. I drew a deep breath and then looked at him, waiting for him to leave my place. Hindi pa rin siya gumalaw at mukhang hindi pa nakukuntento sa ginawa ko.

"What now?"

"You won't let your visitor go in?"

Madali akong kausap. Pinapasok ko siya sa loob nang walang pag-aalinlangan. I didn't mind if everything is not in place. Mukha naman kasing hindi balak na umalis sa pwesto kapag hindi ko pinayagan.

I want peace. I want to feel relax after all what I've discovered. Ngunit hindi yata ako pinanigan ng panahon ngayon. They sent a person to ruin everything. To ruin the feeling that I wanted to feel.

Wala akong ideya kung anong pumasok sa utak niya lately. He's been sending me some foods without letting me know.

Una, doon sa school tapos ngayon dito mismo sa condo ko. Is he acting a concern tutor now? Aside from having his talents on playing a guitar, bringing some food is one of his talents also?

"Bakit mo 'ko dinalhan?"

Nakakrus lamang ang braso niya. Naroon iyong laging bored na ekspresyon sa mukha niya na hindi na bago sa akin ngayon.

Nagkibit balikat ito. I started eating the food he gave me. Kinuha niya ang phone saka kinuhanan ng litrato iyon. He, then made his action to finally post it on his IG story.

I craned my neck to have a view of it. Ngunit agad niyang inilayo iyong phone saka mag-isang tinapos kung anong ginagawa doon.

"You're weird. Ayaw mong ipakita eh makikita ko rin naman 'yan mamaya."

Hindi niya ako pinansin. Napasimangot ako dahil parang hindi man lang ito pinansin ang naging presensya ko. He went here, requested me to let him come inside of my unit and then ignore me?

Wow. Ang iniidolo ng lahat, masyadong nagiging suplado na pagdating sa akin.

"Alam mo, gwapo ka sana kaso nga lang hindi palangiti. Try smiling, not half smile, ha? Iyong ngiti na parang tinititigan ang taong gusto niya."

Natigil ito, agad na ibinalik sa akin ang tingin. I'm still eating the food. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi at lumitaw ang masyadong perpekto niyang mga ngipin na walang kasing puti.

Natulala agad ako. Hindi naiproseso iyong ginawa niyang minsan lang kung lumitaw. I stared at it for a second. Magkaibang-magkaiba sa ngiting iginawad niya sa akin pagkatapos ng kanyang laro.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now