Chapter 22

222 13 0
                                    

Nagdalawang-isip ako. My lips parted as if not liking what my mother said.

"W-what?" nauutal kong tanong at naitabi na iyong pagkain ko.

"You heard me. You'll finish your studies there and pursue what you want. We know how much you wanted to study abroad ever since, Tania. We only want the best for you," dugtong pa niya. Tila hindi na makapaniwala na nagawa kong magdalawang-isip sa sariling kagustuhan.

Since high school, I already told them to study there. Noon pa lang ay pinipilit ko na silang doon ako mag-aral pero hindi nila pinayagan dahil nagdududa pa sa kakayahan ko.

Yes, it was my dream to study there and pursue my career. Dati pa lang ay iyon na ang nakatatak sa isip ko pero ngayon lang nangyari at hindi ko pa inaasahan.

"We decided that because we know that you're now independent," sabi ni Papa.

"Matagal na akong independent, Pa. Pero bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin 'to kung kailan may mga iiwan ako."

Dalawang taon pa bago ako makatapos ng pag-aaral pero parang masyadong mahirap naman kung nasa malayo ako.

"Anak, matagal mo nang gusto ito 'di ba? Now that we've agreed about it, why having some second thoughts?"

"Gusto ko naman po pero kasi paano naman ang mga kaibigan ko? Iyong buhay na iiwanan ko rito? Iyong unit ko?"

"You should not worry about that. You have a better place abroad. I'm sure you'll like it."

Marahan kong binitiwan ang kutsara't tinidor saka uminom. I wiped the side of my lips and then crossed my arms, still thinking about the possibility of my life there.

Maganda naman pero malayo sa mga taong malapit sa akin. I can imagine myself studying at a prestigious school and graduating without flying colors but still did my best, found a job that suits my interest, earning my own money and buying things without looking at the price tag or asking my parents' money.

Iyon ang nakikita kong magiging buhay ko doon sakali. A successful one. Ako lang ang nanghihinayang sa mga maiiwan ko rito.

Huminga akong malalim.

"When I'll be leaving then?" They both smiled. Bakas sa mga mukha nila ang kagalakan sa tanong ko na parang iyon na ang hudyat ng pagiging kasiguraduhan.

"Exactly at the end of this school year, hija. Malapit na iyon and start packing your things already."

"Yeah, I will."

Ang hinihinala ko ay hindi umabot sa katotohanan. That's a good thing for me since I really don't like it.

Pero ang pag-aaral ko na lang din siguro ang atutupagin ko roon. Hindi lang namang mga kaibigan ko ang maiiwan rito.

My fangirling life will be left here. I'll be leaving also the Labyrinth, the band that I really like the most.

Sayang nga lang dahil mukhang hindi ako makakapunta sa concert nila. Matagal pa iyon at siguro kung nangyayari iyon ay nandoon na ako sa ibang bansa, nag-aaral.

Telling my friends about this will hurt them for sure .May isang mang-iiwan para sa pag-aaral. And that's not a bad reason.

So when I left our house, I carried with me the thoughts of leaving the country though it is still not that very near to the exact date. Malapit lang pero kaunti pa.

"Ano? Abroad? Layo naman niyan, ah? Hindi ba pwedeng kabilang university lang?" I finally revealed it to them. Napatigil rin ang bawat isa sa kanila sa mga ginagawa.

Something Great (Valdemora Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora