Lorenzo Miguel

553 25 2
                                    


Isaac,Finn and Eustace came to my unit.They barged in and then went sitting on one of my couch.Kakagising ko lang at sila kaagad ang nabungaran ko.

They're a popular members of their band.They're my friends since high school and to think that they chased their dream made me proud of them.

Isa ako sa kaibigan nilang hindi ginustong sumama dahil mas magkakaroon ako ng conflict sa schedule kapag naisipan ko pang sumali.I prioritize my studies more than that.

Alam kong gustong-gusto nilang masala ako kahit kasagsagan na ng kasikatan nila.Though they are still convincing me up to now for that,still,my decision is final.

Hindi ako sasali.

"What are you all doing here?Concert niyo bukas tapos dito kayo?"tanong ko sa kanila,hindi nagugustuhan ang biglaang pagdating nila.

Paano kung maraming nakasunod pala sa kanila tapos gawing tambayan ang labas ng unit ko?I can't have my peaceful time if that happens.Lalo pa't alam kong bawat galaw nila ay tila saulo ng mga tagahanga.

Sa kanilang tatlo na narito,si Isaac iyong medyo seryoso at siya ang nagpupumilit sa aking sumali sa kanila.Their act of convincing me didn't succeeded.Mas nangingibabaw ang naging desisyon ko.
"Watch our concert tomorrow.Here,"may inabot ito sa akin na isang ticket."Free na 'yan."

Napatingin ako doon,hindi aakalaing ang magiging pwesto ko ay malapit sa entablado.How can I go there if I don't like?Mas gusto kong panoorin na lang iyong performance nila sa Youtube kung sakali kaysa pumunta.

"Attend ka na Migs.Alam mo naman,hindi ka pa nakakapunta sa concert namin,"segunda ni Finn na ngayon ay nakaharap na sa salamin ko at inaayos ang buhok.

Napipilitan akong tumango sa kanila,hindi na nakatanggi pa dahil mukhang si Eustace ay ganoon rin ang desisyon.

"After this concert,hindi na ako pupunta ulit.I have lots of things to do.Hindi ko naman kailangang makapunta rito."

"Try lang naman.Hindi 'yong puro gitara ka nga dito pero walang nakakakita sa'yo."

Naupo na rin ako sa couch,sinabayan sila.

"How many times I will tell you that I don't like some attention?I hate following me wherever I go."

At ako na rin mismo ang nakakita sa nangyari sa kanila noon na kahit saan magpunta,may nakasunod na mga camera sa kanila.Looks like though it's their private time,they can still take some pictures and post it online.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko ring ma-engage sa social media.It'll give me more stress.

"See for yourself.Ano?Punta ka bukas,ah?Nasa harapan ka namin mismo kaya makikita ka talaga namin,"napatayo si Isaac at tinapik ako sa balikat bago sila lumabas.

And that's what I did.Gabi ang kanilang concert at kahit wala pa man ang takdang oras sa paglabas nila,marami nang nakaabang.

I went to my spot.Malapit nga iyon sa stage at kitang-kita nila ako mismo mula sa kinatatayuan nila.I arrived minutes before the start.

Ang matinding ingay na hindi ko pa narinig sa tanang buhay ko ay doon ko naranasan.The loudest screams made me upset.Ilang minuto pa lang akong naroon ay tila hindi ko na kakayanin pang magtagal.

I watched them boredly.Halos lahat ng kanilang tagahanga ay may kanya-kanyang bitbit na kung ano.The one who caught my attention was the girl,raising the banner that she has while shouting Isaac's name.

Green shoulder length hair.That's it.Iyong babaeng walang tigil sa pagsigaw ng kanyang pangalan ang mas natuunan ko ng pansin.

Imbes na mas pagtuunan ko ng pansin ang performance ng mga kaibigan ko,sa kanya ako mas napatitig.Nawala na iyong mga mata kong kanina ay nakatingin sa harapan at sa kanya na napunta.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now