Chapter 14

229 10 0
                                    

Kahit anong ganda ng isang lugar para sa akin, mananatili lang akong namamangha doon. I could stare at it for a long time. I will remain only admiring it.

Imbes na makisabay sa kanila sa pagligo ay mas pinili kong maupo na lang doon sa gilid. Pinagmasdan na lamang sila habang naroon sa ilalim ng falls.

This place is huge. Kahit na alam kong baguhan lang ako rito ay sigurado akong may nakatagong ibang ganda pa rito.

Napunta sa gawi ko si Summer. She's wearing a yellow bikini. Naging ready na ito kanina pa.

Naupo siya sa tabi ko.

"Why not joining us?"

"Okay lang. I feel relaxed just by sitting here."

"Really? May sasabihin ako."

I moved my head to her direction. Napangisi siya na tila nakuha na kaagad niya ang atensyon ko.

"Interesado ka 'no?"

"Ano ba kasi 'yon?"

"Since you're not that active to social media for now, may importanteng balita ako sa'yo."

"What?"

Kinuha niya ang tuwalyang dala saka ipinalupot iyon sa katawan.

"Labyrinth will have a mini concert in your school para sa isang activity niyo raw doon. They confirmed it on their accounts. Next week na iyon."

Estudyante ako doon sa eskwelahang iyon pero bakit hindi ko alam? Ni hindi in-announce sa amin iyon. And it is Labyrinth. Imposibleng hindi kaagad ako na-update tungkol sa schedule nila.

O baka mas napuno lang ang utak ko sa mga pinaggagagawa ng mga tao sa akin?

I am sure that our activity on that day will be open to outsiders. Sigurado akong mapupuno ang field dahil sa kanila.

"And it is for free. Punta kami do'n?"

"Okay. Sabay tayong manood."

I'll be seeing Isaac again performing on stage. I can hear his voice in live again. Okay lang naman sa akin kung siya ang makikita ko doon pero mukhang masasali rin si Enzo.

He's now an official member of the band so there's always a chance that he'll be performing together with them. Wala namang problema sa akin kasi alangan namang sumbatan ko siya na huwag makisali doon.

That's not my business anymore. Sadyang magiging extra lang siya sa banda para sa akin.

"Reese told me about you quitting the club. Do you think it's a good decision of yours?"

Napaisip ako. Is it really a good decision about quitting the club?Ginawa ko iyon para sa ikakatahimik ng mga admirers ni Enzo, para tuluyan na akong tantanan.

It's the advantage. Para rin naman iyon sa ikakabuti ng sarili ko.

"It's good. Alam mo namang una pa lang, hindi ko ginusto doon. Kung oo, siguro dahil nasimulan ko na, eh. I practiced hard just to learn playing guitar."

"What if Enzo likes you? Kung sakali lang, ah?" Natawa ako, hindi makapaniwala sa naging spekulasyon niya agad.

I can't even see any single thing that can prove that he likes me. Kung iyong halik niya ang pagbabasehan, malabo. Sobrang labo.

"Stop speculating things, Summer. Ano ngayon kung gusto niya ako?Hindi ko naman siya gusto at isa pa, we both like someone."

"Hindi mo ba talaga nakikita ang uri ng tingin niya sa'yo minsan?"

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now