Chapter 11

250 14 9
                                    

Kung alam lang nila na hindi ko naman sinasadyang mapalapit kay Enzo. Kung alam lang nila na hindi ako desperada para sa kanya.

Why would they think that way just because they saw us being close? Ano 'yon? Porque't nagdikit lang balat namin tapos nakitang magkasama, issue agad sa kanila?

They're crazy. So crazy that hurting me can make them satisfy. Mga uhaw kay Enzo na akala mo naman ay pinapansin. That's good for them though since mukhang patapon naman ang mga ugali.

Hindi na ako nag-abala pang manatili doon sa school.

I went to my unit and arranged everything from my face. May iilang parte na namula doon dahil sa matinding pagkakahawak ng isa sa kanila kanina.

Sa lahat ng parte ng katawan ko, iyong mukha pa talaga ang napagdiskitahan. Tapos iyong buhok ko ay sobrang buhaghag na parang pinabayaan.

"Mga walang hiya. Kasalanan ko bang ako ang pinapansin ng taong 'yon?" Sinuklay ko iyong buhok ko. Agad akong napadaing na halos aabutin ng matagal bago maibalik sa ayos.

They should be thankful because I didn't got a chance to strangle them.

Anong laban ko doon? Lima sila tapos nag-iisa lang ako? That's totally not fair.

Binuksan ko ang pinto nang may kumatok doon. Reese, Emerald and Summer barged in with their worried faces.

Bitbit ni Reese iyong bag kong naiwan sa club dahil pinakuha ko sa kanya para ihatid rito. Talagang tinawag pa talaga ang dalawa.

"What happened to you? Bakit ang gulo ng buhok mo?" Emerald asked me. May kaunting awa pero mas lamang ang pagtataka.

"Obviously, Enzo's fans attacked her. Bakit hindi ka lumaban?" I rolled my eyes and continued combing when Summer said that.

"Lima sila, nag-iisa ako. Anong magagawa ng nag-iisa kong katawan kung pinagtulungan nila ako?"

"Ang bobo mo naman. Edi sana tinawag mo ako! I can slap their faces many times if that's the case. Kung bakit kasi pumunta punta pa sa club na 'yon, eh."

Natigil ako.

"What? Of course we have a practice. At paano naman ako makakatawag sa'yo sa ganoong sitwasyon, ha?"

Inagaw sa akin ni Summer ang suklay saka siya na mismo ang gumawa no'n para sa akin. Emerald started applying some cream to my face to reduce the redness.

"Tsk. Gantihan natin? Hindi naman pwedeng ikaw lang ang masaktan. Para fair, dapat sila din! Akala mo kung sino eh mukha namang mga palaka."

"Huwag na. Ayokong iaksaya ang oras ko sa kanila. Bahala silang mag-isip ng kung ano-ano dyan. I'm just being friendly to Enzo."

She went near me. Agad na nabuhay iyong mga mukha nila nang sinimulan kong banggitin ang pangalan ni Enzo.

Summer stopped combing my hair while Emerald did the same. Look what Enzo did to them.

Kaunti na lang talaga, maniniwala akong kay matinding lason ang mukha ng lalaking iyon. He can let people admire him!

"Friends lang ba talaga?" utas ni Reese.

"Or something is going on between you two?"

"O baka naman rason mo lang ang pagiging friendly para kay Enzo?Hmm?"

"Diba pinuntahan ka niya dito? Ano naman ang ginawa niyo?"

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now