Chapter 1

8 0 0
                                    

Chapter 1

                It’s July 2024 at start palang ng classes for this year. Habang naglalakad ako sa hallway ay napapansin ko ang ilang titig ng ibang mga estudyanteng nakatambay sa daanan. ‘First time ba nila makakita ng transferee?’

                Bago ang first day of school ay naglibot na din kami ng kaibigan ko dito pero hindi namin pinuntahan ang mga loob ng buildings. Pagkahanap ko sa room ay umupo agad ako sa last row ng mga upuan. Napansin kong lahat sila ay magkakakilala na at masayang nagkekwentuhan. Napatahimik ang lahat ng pumasok na ang prof namin.

“Okay, settle down. We have two transferees, Miss Ramos come in and introduce yourself first” A girl with curly hair came in.

“Hi guys! I am Yera Ramos, 18 years old and I’m from Pampanga.” nakanginiting sabi niya

“Please be seated beside Miss Andrada. Miss Andrada, stand and introduce yourself.” Agad akong tumayo at nagpakilala.

“I am Eunna Andrada, 18” sabi ko at naupo na.

“Hi! Long time no see.” bati ni Yera sakin with her bright smile.

                Yera and I are from Pampanga but we decided to study ABM here in Manila dahil sa nangyari sa school namin last year kung saan involve ako. Well you probably won’t believe it but, I have precognitions and I can see them in my dreams.

                Last year in my school, I dreamt about my classmate that something will happen pag tumuloy siya sa pupuntahan niya. I tried stopping her but instead of believing me she called me crazy at kinabukasan nun ay nabalitaan nalang namin na dinala siya sa hospital dahil nabunggo daw siya ng kotse. After nun sinisi niya ako at pinakalat na ako daw nagplano para maaksidente siya. Pathetic right?


*

**


                Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nakapila kami sa loob ng gym para magsign-up sa sasalihan naming clubs for the whole sem. I joined the literary club while Yera joined the Art Club. I like writing stories and poems while Yera loves to illustrate them.

                After namin makapagregister ay naghiwalay na kami ni Yera para sa orientation ng bawat club. Habang papasok sa room ng literary club ay saktong may papalabas na lalaki sa pinto kaya nabunggo niya ako.

“Sorry.” Sabi lang niya at tuloy-tuloy nang naglakad.

“Wait! Have we met before?”

“I’m sorry pero nagmamadali ako” sagot lang niya at umalis na.



                That man earlier, he looks so familiar. I think I saw him before I just don’t know kung sa panaginip ba o in reality.  Hinayaan ko nalang at pumasok na sa clubroom.




Sane Man's HallucinationOnde as histórias ganham vida. Descobre agora