Chapter 3

2 0 0
                                    

CHAPTER 3

EUNNA’s POV

                Kinabukasan ay pagkapasok ko sa room namin ay agad akong sinalubong ni Yera at hinila paupo sa pinakamalapit na upuan.

“Eunna alam mo na ba yung issue?” bulong ni Yera

“What issue?”

“Wala ka bang napapansin kanina? Di ka ba nila pinagtitinginan sa hallway?” patuloy lang na pagbubulungan namin.

“Di ba normal lang yun pag maganda ka? Pft-”sabay hawi sa mahabang buhok ko.

“Ew. So you really don’t know about the rumors?”

“Ano bang issue yan? And why are we whispering to each other” I said that without whispering.

“Our main character is clueless, you don’t know?” maarteng singit ni Zella.

“No obviously, di naman ako magtatanong kung alam ko diba. Tell me about it” humarap ako kay Zella.

“The rumors are about you and Lewy. Someone saw Lewy na hinatid ka sa building natin. Someone said you two are dating.”

“We’re not at kung oo, so what?”

“I heard he is quite popular. Hindi lang sa building nila kundi sa buong SHS kaya mabilis na kumalat yung rumors” sagot ni Yera

“Well he’s not popular enough kasi di ako aware. Bahala sila kung anong iisipin nila” sabi ko nalang at pumunta na sa upuan ko.


***

              Kakatapos lang ng huling klase ko and pagkalabas ko ng room ay may ilang mga babae na nakasilip sa labas ng classroom nila. Nakita ko si Lewy sa may hallway kaya agad ko siyang tinawag.

“Lewy!” tawag ko pero pati yung mga babae napatigil at lumingon sa akin. Tinawag ko kayo?

“Stop staring, kayo ba si Lewy?”

“Eunna! Finally tara na sa staff room” tawag ni Lewy at nagsimula na kami maglakad. Agad naman na nagbulungan yung mga babae sa nadadaanan namin. Nang malagpasan na namin sila ay nilingon ko ulit yung mga babae tapos inirapan sila.

“Rude.” natatawang sabi ni Lewy.

“Atleast hindi ako mukhang haggard tulad mo.”

“Binigay na ba ni Pheya yung mga ipapa-approve kay dean?” tanong niya

“Oo, sinend na niya yung form kagabi.”

“Paki-send nalang sakin yung file pagkatapos natin ngayon.” Pagkadating namin sa dean’s office ay kinailangan pa namin maghintay dahil may meeting pa daw yung mga staff.

                Halos kalahating oras din ang lumipas nang natapos kami at napagdesisiyonan namin na ituloy nalang ito sa susunod na araw. Sabay kaming naglalakad papunta sa main gate ng school.

“Where do you live?” Lewy asked

“Sa Antala street, ilang minutong byahe lang yun galing dito. Bakit?”

“Wait, taga Antala ka?”

“Kakasabi ko lang?” duh.

“I think isang kanto lang ang layo ng bahay natin. I can give you a ride.”

“If you insist.” Tumango lang siya bilang sagot.

***

“Thank you sa paghatid” Pumasok na ako sa gate namin.

“No problem.” Ngumiti siya at nagpaalam na siya sa akin. Nilock ko na yung gate at pumasok na.

‘Shit nakalimutan ko isend yung files sakanya.’

                Lumingon uli ako sakanya para tignan kung nakaalis na siya. Saktong paglingon ko ay tumalikod na siya at tumawid. Wait- This scene looks familiar at biglang may pumasok sa isip ko na isang pangyayari sa panaginip ko.



‘Lewy is screaming at me and saying some words and then I answered him back. I saw him let out a sigh due to frustration. I said something to him and walked out. I entered in our gate and locked it. I started walking in to the main door and I looked back to him. I saw him turned his back and crossed the road.’       

Sane Man's HallucinationHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin