Chapter 9

1 0 0
                                    

CHAPTER 9

EUNNA’S POV


              It’s early in the morning when I decided to go for a walk since mamayang 9:30 pa ang first class ko. Napadaan ako sa park nang makita ko si Karis kasama ulit yung aso niya. When our eyes met he quickly approached me.

“Hi Eunna, good morning” he said while smiling.

“Good morning din, pauwi na ba kayo?”

“Yup kakatapos lang namin umikot.”

“Since tapos ka na, wanna grab a coffee?” Pag-aaya ko sakanya.

“Sure, maaga pa naman”

              Naglalakad kami papunta sa isang café na medyo malapit lang sa bahay namin. Karis and I are just talking about some random things. Napag-alaman ko na before sila lumipat sa Manila ay nakatira pala sila sa Tagaytay. Kailangan daw nila lumipat dahil sa work ng tatay niya. Nalaman ko din na malapit lang din yung university niya sa university ko.

              Nakarating na kami sa café at agad na umorder. I ordered an iced espresso while Karis ordered a hot Americano.

“Ang tagal ko na din hindi pumunta dito sa café. I’m a regular here before simula nung lumipat kami dito from Pampanga.”

“Why?” tanong ni Karis

“Someone is courting me at lagi niya akong dinadalhan ng kape tuwing sinusundo niya ako so I stopped coming here.”

“Coming here every morning is still different. The ambiance every morning is so relaxing.”

“I agree.”

              When our order came ay napagdesisiyonan namin na bumalik kaagad dahil magaayos pa ako para sa klase ko. Karis insisted na ihatid ako sa bahay kaya pumayag na ako.

“Salamat sa paghatid”

“No prob. See you next time?

“Yup, see you”

“By the way, can I get your number?” He asked. Napansin kong may isang taong naglalakad na nakatutok yung cellphone sa amin na parang kinukuhanan kami ng litrato.

“Eunna?” Tawag ni Karis sa akin.

“S-sure.” We exchanged numbers at nag-paalam na siya. Pumasok na ako sa kwarto at agad nang nag-ayos.

***



              Medyo nagmamadali na ako pumasok sa school dahil medyo natagalan ako sa pag-aayos pagkatapos namin mag-kape ni Karis. Pagkabukas ko ng locker para kumuha ng libro ay tumambad sa akin ang mga letters sa loob ng locker ko.

               I thought kay Lewy galing yun pero nung binuksan ko yung isang letter ay puro mura lang yung nabasa ko. May isa namang nakasulat na layuan ko si Lewy and stop being a slut. Nung nagbukas pa ako ng isa ay death threat naman yung nakasulat.

               Duh… it’s already 2024. Sino pa ba ang naniniwala sa death threat. If papatayin nila ako edi go. As if kaya nila pumatay ng tao dahil lang sa isang lalaki. I checked the time at narealize na late na pala ako sa first period. Tinapon ko muna lahat ng letters na nakaharang at kinuha yung libro ko.

              When I opened the door, I was greeted by my classmates’ stares at ng prof ko.

“You are late miss Andrada”
“I’m sorry Ma’am, something came up” I apologized.
“Is it my fault?”
“I didn’t blame you though?” I answered at umupo na ako sa tabi ni Yera.

               Pagkatapos ng klase ay agad akong humarap kay Yera.

“Hoy” tawag ko sakanya.

“Maka hoy ka naman. Bakit?”

“You told me na mag ce-celebrate tayo sa upcoming birthday mo diba? Nakapagplano ka na?” I asked.

“Yup! Everything is set now. We are going to Spirea Beach Resort! My mom told me na pwede daw ako magsama ng tatlo or apat na kaibigan so bale apat na tayo nina Lewy and Ellaine.”

“Okay, so may isa pang pwede isama? May naisip ka na?”

“Wala pa nga eh. May-” I shook her shoulders.

“Wait”

“What” tinangal niya yung kamay ko sa balikat niya.

“Can I invite my friend? I met him sa park. Sila yung bagong lipat sa street namin” I asked.

“Him? He’s a guy?”

“Obviously”

“Yung lalaki ba na kasama mo kanina?”

“Paano mo nalaman yan?” Tanong ko sakanya.

“Nasa page na yung pictures niyo kanina. You don’t know? Akala ng iba si Lewy yun pero pagtitignan sa likod halatang hindi ni Lewy. Plus, hindi mukhang fluffly ang hair ni Lewy so I figured out. At isa pa, hindi kayo sabay ngayon.”

“Maaga klase niya ngayon. May post nanaman?” They. Are. Annoying. Wala ba silang magawa sa buhay nila kaya pinapakialaman nila yung akin?

“May rumors din na he stayed overnight there since kaninang umanga kinuhanan.”

“You know it’s not true Yera. He’s just a new friend.” Now that explains the death threats. lol

“Of course. But hmm…I smell something fishy. Single ba?” She laughed pero inirapan ko lang siya.

“Okay fine, invite him. Ilakad mo ko sakanya baka sakali. Baka mamaya hindi mo na sasagutin si Lewy dahil dyan sa bagong kaibigan mo ah.”

“Siguro.” I jokingly said at agad akong sinamaan ng tingin ni Yera. I know he already have a girlfriend and besides he’s just a friend.

“I’m kidding, may girlfriend na si Karis, wala ka nang pag-asa doon” dagdag ko pa.

“Bummer...Now about Lewy, kelan mo sasagutin yun? Isang buwan na din nangliligaw sayo yun.” She asked.

“I don’t know yet. I admit that I’m flatterd sa mga efforts niya pero di ko pa alam”

“So…..?? Ano nga?”

“Maybe soon?” Yera shouted and jumped. Kinikilig si gaga. Lewy knows how to satisfy a girl’s heart and I think I should give it a try.

              Biglang tumunog yung phone ko and speaking of the devil, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. He invited me to have a dinner date with him. I accepted his invitation.

               Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta pero sinabi niya na susunduin niya ako mamayang 7 pm. Nagulat ako ng biglang may humablot sa cellphone ko.

“OMYGOSH! LEWY AND EUNNA WILL HAVE A DATE!” Yera screamed. Umabot ata yung boses niya hanggang sa kabilang building.

              Agad kong binatukan si Yera. Napansin kong nakatingin sa akin halos lahat ng kaklase ko pati ata yung mga nasa hallway.



Gosh, this is so embarrassing.



Sane Man's HallucinationWhere stories live. Discover now