Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

EUNNA’s POV


              Pagkatapos ng mga sobrang busy na araw ay sa wakas ay natapos na ang LITerary Quest at naging successful naman lahat ng mga contests at pinuri pa kami ng teacher-in-charge samin dahil maganda daw pagkakaorganize ng club namin and because of that, binigyan kami ni Dean ng budget para magcelebrate and to treat ourselves.

              Kaya ngayon ay nasa Billberry Resto Bar kami dahil nagpareserve kami ng KTV room dito. Some of us are eating habang ang iba naman ay patuloy lang sa pagkanta.

“Lewy! I heard na magaling ka kumanta. Sing for us!” tawag ni Lenna kay Lewy at agad naman niyang kinuha yung songbook and guess kung anong kakantahin niya? ‘A Whole New World’ from Aladdin. Really? Anong trip niya sa Disney? I silently laughed.

“A whole new world
That’s where we’ll be
A thrilling chase
For you and me”



              Busy akong kumakain at di ko napansin na tapos na kumanta si Lewy at nagsipalakpakan lahat ng mga kasama namin at nagtilian naman yung mga babae. Nagulat ako ng kalabitin ako ni Pheya. Pagkalingon ko sa kanya ay tinignan niya ako ng nakakaloko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“What?” tanong ko sa kanya

“Ingat ka. Buti di ka pa natutunaw.” Sagot lang niya at lumingon na ulit sa kanila Lewy.

“Ako nalang ang Jasmin ng buhay mo Lewy!” Sigaw ng isang club member namin.

“Sorry, I prefer a genie.” Sagot ni Lewy at nagtawanan naman sila. ‘What’s funny?’

“And besides I already have a Jasmine” Dagdag niya at agad siyang tumingin sakin pero agad bumalik yung tingin niya sa mga kausap niya.

“Awwww. Rejected si Rae.”
“Sinong Jasmine yaaaan?”
“Share naman dyan!”
“Guys kalma! Ako lang yun”
“Ew!”
“Harsh!”

***




              Madilim na ng napagdesisyonan naming umuwi na. Agad namang nagpresenta si Lewy na ihatid ako.

“Sana all Eunna!”
“Baka naman Lewy”
“Ehem. Ehem. Sana all si Eunna. Ehem!”
“Ikaw Eunna ahhhh!”
“Baka mabalitaan namin kayo na ahh” Sigawan nung mga kasama namin kaya inirapan ko sila at umalis na.


“Eunna, nauuhaw na ako daan muna tayo ng park? May malapit na vending machine dun eh” tanong niya.

“Fine with me” naupo kami sa isang bench doon.

“Bili lang muna muna ako ng tubig” Paalam ni Lewy.

“Bilhan mo na din ako. Thanks” Tumango siya at umalis na.

              Nagulat ako nang biglang may tumalon na aso sa akin. May napansin akong isang lalaki na tumatakbo papunta sa akin, amo niya ata. Napatingin yung lalaki sa akin at nginitian. Nginitian ko lang din siya pabalik at kinuha yung aso sa akin.

“Hi, do you live near here?” bati niya. His features are so soft and it will easily make you think that he is a gentle person.

“Yup! That’s a cute dog by the way.“

“Thanks, it’s a gift from my girlfriend.” Nakangiting sagot niya.

“Ikaw? Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita”

“Kami yung bagong lipat sa may dulo ng Antala street. I’m Karis by the way. Nice meeting you” Nilahad niya yung kamay niya sa akin na agad ko din inabot. His name speaks for his face.

“I’m Eunna. Nice meeting you too. Sige, alis na ako may kasama ako eh. See you next time? Bye!”

“Bye.” Nakangiting sagot niya habang kumakaway at naglakad na ako papunta sa may vending machine.


I think I saw him before. Ito nanaman ako sa mga panaginip ko. Pilit ko siyang inaalala. Napatigil ako ng may pumasok sa isip ko na isang scene sa panaginip ko.




‘I am walking in the park at naupo sa isang bench to calm myself nang biglang may tumawag sa akin. It’s Karis. He is talking to me more like comforting me. Until someone pulled me at nilayo ako doon’


Sane Man's HallucinationOnde histórias criam vida. Descubra agora