Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11

//Timeskip//

EUNNA’s POV


              It’s October 9, 2024 at umagang-umaga ay kasama ko si Karis habang hinihintay sila Yera na susundo sa amin para sa celebration sa 17th birthday ni Yera.

“Eunna” Tawag ni Karis sa akin.

“Hmm?”

“Pwedeng palagay muna ng powerbank ko sa handbag mo?” Sabi niya at inabot sa akin yung powerbank niya.

“Okay.” Pagsang-ayon ko at nilagay yung powerbank sa bag ko.

               Nakarinig ako ng busina kaya agad na kami lumabas ng bahay. Bumungad ang isang black na van sa amin. Yera got out from the van at sinalubong ako. She’s wearing a white floral dress while I’m wearing a black off shoulder and a knee length skirt.

              Pagkatapos namin ayusin yung mga bag ay nauna nang sumakay si Karis sa van at sumunod naman ako sa tabi niya. Sumunod na din pumasok si Yera sa tabi ko. Nang nakaayos na kami ay nagsimula na kami bumyahe. Napansin kong kanina pa nakatingin sa amin si Lewy thru the rearview mirror. Hindi ko nalang pinansin yun at napagpasyahan kong matulog nalang.

***




              Nagising ako nang makaramdam ko ng mahinang pagtapik sa braso ko.

“Eunna, wake up.” Mahinang sabi sakin ni Karis. Namalayan ko nalang na nakasandal pala ako sa balikat niya.

“Sorry.” Nahihiyang sabi ko at agad na bumaba sa van.

“Eunna OMG! Are you sick?” Tanong ni Ellaine sa akin kaya naman agad na lumapit si Yera at Lewy sa akin.

“Sobrang namumula yung mukha mo Eunna, nilalagnat ka ba?” Sabi ni Yera at agad namang hinawakan ni Lewy ang noo ko.

“Medyo mainit ka din.” Nag-aalalang sabi sa akin ni Lewy

“No, I’m fine.” Paninigurado ko at bumalik sa van para kunin yung handbag ko.

“You’re sick?” Tanong ni Karis na nasa loob padin ng van.

“N-no, I’m fine. Pagod lang siguro sa byahe.” Sagot ko habang iniiwasan ang titig niya.

“Okay.” He chuckled and patted my head. With just a simple gesture I felt my face turn red.

“I’m not a dog.” Inirapan ko lang siya at agad na umalis doon.

***



              Magtatanghali na din nang nakarating kami dito sa Spirea Beach Resort. Agad na kaming dumiretso sa hotel. Ang plano ay tatlo kaming mga babae na magkakasama sa isang room at sina Lewy at Karis naman sa kabila.

              Nang magchecheck-in na kami ay hindi na daw available yung may tatlong kama kaya nakikipagusap pa si Yera sa receptionist.

“We reserved that room. What do you mean na hindi available?”

“Sorry ma’am but kailan po ba kayo nagpa-reserve?”

“Nung Wednesday.” Napatango naman yung receptionist.

“Ma’am baka nagka kaunting error po since yung mga intern namin yung naka-shift nung Wednesday.”

“May available pa bang room with one bed?” tanong ko sa receptionist.

“Yes ma’am, may available pong Standard Suite pero dahil po sa error and inconvenience, we can upgrade your hotel room to Deluxe Suite.”

“Wait, so sino yung hihiwalay sa atin?” tanong ni Yera

“Kahit sino basta hindi ko kasama si Ellaine” bulong ko kay Yera

“Not me! I’m scared. Gusto ko ng kasama” sagot naman ni Ellaine.

“Kami nalang ni Ellaine ang magkasama and si Eunna nalang sa Deluxe room” sabi ni Yera

“We’ll take it” humarap siya sa receptionist.

“So dalawang Double Queen Suite at isang Deluxe Suite. Here are your keys. Thank you”

“Thank you din po” sagot ni Yera. Agad na kami pumunta sa mga hotel room namin.

              Sabi ni Yera ay haanggang bukas lang daw kami dito. Napagdesisyonan na namin na kumain pagkatapos namin magpahinga at mag-unpack. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisiyonan namin na maglibot-libot muna sa mga shops.

“Kailan tayo mags-swimming?” Tanong ni Ellaine.

“Before sunset nalang para hindi masyadong mainit” sagot ni Yera.

“Magpahinga muna tayo sa hotel.” Suggest ni Karis

“Sige, tawagin niyo nalang ako sa room ko mamaya pag aalis na tayo.” Sagot ko nalang sa kanila.

               Kanina ko pa napapansin na masyadong tahimik si Lewy pero hinayaan ko nalang siya. Baka pagod lang din sa byahe kanina.  Naghiwa-hiwalay na kami at pumunta na sa mga hotel room namin. Agad ko na inayos yung mga gagamitin ko mamayang hapon at nagpahinga na muna.

***




              Naalimpungatan ako nang marinig ko na tumunog yung phone ko. It’s Lewy.

Lewy:
              I’m on my way there :))



“Ang bilis naman niya?” bulong ko sa sarili ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. Inaantok akong tumayo at agad kong binuksan yun at bumungad sa akin si...

“Who are you?” I’m still half asleep and my eyes are blurry since I’m not wearing my contacts. I heard a familiar laugh.

“Karis?”

“Nice guess, bedhead” Sagot ni niya saakin. Nagulat ako ng bigla niyang nilapit yung mukha niya sa akin at sinibukan yung mata ko.

“I hate you” sabi ko pero tinawanan niya lang ako kaya natawa na din ako.

“May kailangan ka ba?” Tanong ko sakanya.

“Yung powerbank ko sana. Can I get it?”

“Wait, pasok ka muna. Hahanapin ko lang. I can’t remember where I placed it”

“It’s in your handbag earlier.” Sabi niya at agad ko namang hinanap doon.

“Eunna”

“Hmm?”

“May plano ka ba sagutin si Lewy?”

“I guess, Why?”

“Nothing.”

“Hmmm…Found it! Here” Sabay abot ko sa kanya nung powerbank.

“Thanks. See you later in bikini” Kinindatan niya ako at nagsimula na maglakad palabas.

“Gago may girlfriend ka” Sabi ko habang tumatawa.

Akala ko pupunta si Lewy dito. Weird.

Sane Man's HallucinationWhere stories live. Discover now