Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

EUNNA’s POV
  

              Weeks passed, nasa room ako ng lit. club and we’re already preparing for an upcoming event called “LITerary Quest”. Big event daw yun na gaganapin this August na tatagal ng tatlong araw kaya kailangan talga namin magprepare since ang club ang pinaka in-charge doon.

              Right now pinaguusapan namin yung mga ihohost naming mga contests para sa mga junior at senior highschools. Everyone is busy thinking kung anong mga contest ang gagawin sa event. We already have some on the list.


On the spot Short Story Writing for Senior HS
Essay writing for Junior HS


“What about sonnet writing contest for both senior and junior highschools?” I suggested.

“What do you think about speech choir but sila ang mag susulat ng ipe-perform nila?” sabi nung lalaking nakabungguan ko and if I can remember it clearly tinawag siyang Lewy kanina.

“Hindi ba yan sobrang hirap?” tanong ni Lenna.

“Pwede naman nating isama yun sa isa sa mga highlight ng event and the winner will receive a cash price instead na patrophy trophy lang para may gaganahang sumama” suggest ko

“Good idea, idagdag na din natin ang impromptu speaking for JHS ang SHS” sabi ni Pheya, president namin. Sinulat niya yung mga suggestions namin at ng iba pa naming kasama sa white board. Pagkatapos ay in-assign na kami sa mga pwede namin pagkakaabalahan.

“Eunna and Lewy, kayo na ang bahala sa pago-organize ng schedule ng event since kayong dalawa nalang yung walang gagawin” dagdag pa ni Pheya.

              Why him? Hmm…this can be my chance to get closer to him and know more about my dream. After that day nacurios ako tungkol sakanya at sa panaginip ko. I know it’s useless at wala naman akong mababago pero wala namang mawawala kung aalamin ko diba.

              After ng meeting ay nagliligpit na kami ng mga gamit namin at nakita kong papalabas na ng room si Lewy kaya nagmadali akong puntahan siya.

“Lewy!” tawag ko sakanya at agad naman siya ng lumingon sa akin.

“Hi, I’m sorry about last time” nakangiting sabi ko.

“It’s fine.”

“By the way I’m Eunna Andrada, ABM” nilahad ko ang kamay ko sakanya na agad niya din sinagot.

“I’m Braun Lewy Javier, STEM.” Habang naglalakad ay pinag-uusapan na namin yung tungkol sa mga I oorganize naming sched ng event.

“May klase ka pa ba bukas ng 4 pm? Sabi kasi ni Pheya within this week dapat maayos na natin yung schedule para madali nalang since three day event yung io-organize natin” tanong niya.

“4:35 pa yung last class ko. Hintayin mo nalang ako sa labas ng room ABM 12 block 1 sa fourth floor” sagot ko at nagpaalam na ng makarating na ako sa building namin.



            
Now I found a way to befriend him but what will I do next?

Sane Man's HallucinationWhere stories live. Discover now