Chapter 13

1 0 0
                                    


Chapter 13

EUNNA’s POV

//Timeskip//


“Eunna!” Narinig ko ang boses ni Yera na tumatawag sa akin.

“Yera” I hugged her and faked a cry.

“E-eunna?” Kinakabahang tanong niya.

“I’m soooo starving. The new professor is so annoying, ang tagal niya mag-dismiss.” I laughed.

“Bwisit ka, tinakot mo ako” Sagot niya at binatukan ako kaya binawian ko agad siya. Babawian niya sana ulit ako pero tinulak ko kaagad yung upuan papunta sa kanya bilang harang.

“Stop. Kain na tayo.” Sabi ko habang naka-peace sign. Tinawanan niya lang ako at nagsimula na kami pumunta ng cafeteria.

“Eunna!” Tawag sakin ni Lewy.

“Let’s eat together?” dagdag niya.

“Tara sa cafeteria.” Aya ko sakanya.

“You know I hate the food there. Magpadeliver nalang tayo at sa ibang part nalang tayo ng school kumain”

“Oh okay. Join us Yera?” Tanong ko.

“But it’s a date. Wag na tayo magdala ng thirdwheel and besides baka ma-out of place lang siya, right, Yera?” Singit ni Lewy.

“What a mood killer” Mahinang bulong ni Yera.

“Hmmm…Then choose Eunna. Ako na boyfriend mo or Yera?

“I-I don’t know.”

“But it’s obvious, syempre ako. I’m the boyfriend.” Natatawang dagdag ni Lewy. Is he joking? Cause it’s not funny.

“I’m sorry” I gave Yera an apologetic stare. Wala akong choice. Lewy said it to our face, tama siya. He’s my boyfriend now.

“No, no it’s fine. See? Andyan na si Ellaine” Sabi niya at kumaway sa paparating na si Ellaine. I can see her fake smile but what can I do. I’m in a relationship and I need to be serious about it.

              Months passed at nagsimula na ang second sem at simula nang sagutin ko si Lewy ay ganito palagi ang scenario. Aware akong nawawalan na ako ng time kay Yera. Para siguro sa iba it’s normal dahil may boyfriend ako but no, she IS my friend.

              Mas lumala na din yung mga post ng page. Sa lahat ng date namin nandoon sila. Kasabay din ng paglala nun ang pagdami ng mga death threats na natatanggap ko. Ang sipag- sipag nila mag-sulat ng letters pero di pa naman nila ako nasusugatan o kahit galos nga wala pang dumadapo sa akin na galing sa kanila.

              Lewy on the other side, he’s fine…more than fine. As my boyfriend, he acts like any other girls would wish for but no one is perfect. What I don’t like about him is he is way too possessive. He checks my inbox, emails and SNS. He knows all my passwords. I have his too but I actually don’t care because I trust him. Is it that hard? That side of him makes me regret a little. If I’m gonna be honest, I prefer him as a friend but I’m not saying that I don’t love him.


But I’m not also saying that I love him.

***




              Naglalakad na ako palabas ng gate nang makita ko si Yera na mag-isang naglalakad din kaya agad ko siyang tinawag.

“Yera! Let’s go home together!” Napalingon siya kaya agad naman niya akong nilapitan.

“Yera…” panimula ko.

“I’m sorry about earlier- no, sorry about everything.”

“No, Eunna, it’s okay. You are busy hanging out with your boyfriend.” She sounded a little sarcastic for me.

“Still…Hindi naman yun rason para maiwan kita diba?”

“Exactly! But your words don’t match your actions. Kasi kung kaibigan mo ko gagawa ka ng paraan para masamahan ako.” Nagulat ako mung medyo tumaas yung boses niya.

“Maybe you still don’t know na mag-isa talaga ako kumakain sa cafeteria. Simula ng naging kayo ni Lewy ay tumigil na din si Ellaine na sumama sa akin. I hate it dahil tama ka nanaman. Na she’s just using us to be with Lewy.” Napatahimik ako dahil sa mga sinabi niya.

“Nawawalan ka na nga ng oras sa akin pero anong magagawa ko boyfriend mo siya eh. You love him more than me.” Inirapan ako ni Yera at nagsimula na maglakad paalis.

“No I don’t-“ Napatigil sa paglalakad si Yera kaya agad ko siya nilapitan.

“I don’t know.” Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Hinarap ko siya sa akin at parang nagulat na naiiyak ako.

“I just realized everything. I’m not sure about my feelings for him. Maybe it’s all an infatuation or worst baka ginagamit ko lang siya. I’m so confused Yera. Feeling ko nadala lang ako-“ Yera pulled me into a hug. Patuloy lang na tumulo ang luha ko.

“Stop crying bitch” Sabi niya na parang umiiyak na din.

“Then stop first bitch.” Natawa nalang kaming dalawa habang umiiyak. Napatigil ako nang biglang may naalala akong pangyayari sa panaginip ko.



‘I saw myself walking in the street full of trees. I am going somewhere then I received a call. I dropped my phone and I started running with my eyes filled with tears. The scenario changed and I saw myself lying in the hospital bed.”



“If you are confused, try to hang out with him more to reassure your feelings towards him.” Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita ulit si Yera.

“Thank you.” I should prioritize reality first, not my dreams.




But another nightmare appeared.

Sane Man's HallucinationWhere stories live. Discover now