SEASON 2 Prolouge

1.1K 46 8
                                    

Matapos mapanalo ang laban noong huling digmaan laban kay Hagorn at sa kanyang mga kapanalig, sa pagbawi ng Devas sa mga masasamang kamay kasama ng pagkatalo kay Arde at Ether na lumabis sa paggamit ng kanyang kapangyarihan upang bigyan ng mga pagsubok ang mga lalang sa Encantadia, namalagi na muli ang katahimikan at kapayapaan dito.


Naging masaya na muli ang pamumuhay ng mga Encantado kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Naging susi ang bawat isa upang magtulungan at umunlad ang bawat kaharian na mayroon doon. Ang kasalukuyang Hara ng Lireo na si Hara Alena ay muling ibinabangon ang teritoryo ng mga Adamyan at muling isinaaayos ang kaharian ng Adamya sa tulong narin ng kanyang mga mahal sa buhay.


 Naging masaya na nga ang bagong Encantadia sa makabagong panahon na kasabay ng pagsilang ng mga bagong tagapagtanggol at mga tagapangalaga ng buong Encantadia. Ang mag-asawang Aquil at Hara Duri-e Danaya ay biniyayaan na ng anak na babae na si Aliyah, si Hara Pirena naman ng Hathoria ay nagsilang rin ng kanyang pangalawang anak kay Azulan na pinangalan nilang Fauna. Si Hara Alena rin ay nagkaanak sa gunikar na si Memfes nag syang nagsimula ng bagong lahing diwata at adamyan na pinangalanan namang si Adamus. Si sang'gre Lira naman ay binigyan ng anak ni Bathalunang Cassiopea na nagmula sa kanyang dugo, buhok ni Lira at abo ni Amihan na pinangalanan namang Cassandra.



Sa paglaki naman ng mga batang sang'gre na masayang magkakasama, isang nilalang na pala ang nakabantay sa Encantadia at kumukuha lamang ng tamang panahon upang maghimagsik at manggulo sa tahimik nang mundo. Isang nilalang na nakatira hiwalay sa Encantadia na sinasabing kapatid ni Cassiopea.


Kasabay ng paglipas ng panahon ang pagtutok sa mga batang sang'gre upang humusay at mapag-aralan ring gumamit ng sandata at ipagtanggol ang kanilang mga sarili gaya ng kanilang mga magulang noon nung sila ay kaedad pa lamang nilang apat. At kaakibat ng kanilang pag-eensayo, hindi namang maiwasan ang makukulit nilang ugali bilang parte ng kanilang pagkabata.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon