Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso

889 29 267
                                    

Amihan: Sandali lamang, napansin kong kulang kayo. Nasaan ang inyong hadia? Nasaan si Cassandra?

Agad namang tumahimik ang tatlo at biglang nanamlay ang mga mukha sa itinanong ni Amihan. Nagtaka si Amihan kung bakit hindi nagsasalita ang tatlo.

Amihan: Bakit kayo natahimik mga Sang'gre, may masama ba sa aking itinanong?

Muros:*sigh* Agape Ave mahal na Hara Duri-e, ngunit ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na wala rito si Cassandra.*frowns*

Amihan: Wala sya rito sa Lireo? Ngunit nasan sya?*stops a bit* Kasama ba ni... ni Ybrahim si Cassandra sa Sapiro?

Aquil: Wala sa Encantadia si Cassandra Sang'gre Amihan.

Amihan:*confused* Wala sa Encantadia?

Aquil:*sigh* Dinakip ni Casilda si Cassandra Sang'gre Amihan kaya maya-maya ay maghahanda na ang lahat sa pagpupulong upang mailigtas si Cassandra laban sa kakambal ng Bathaluman.

Bigla namang nagulat si Amihan dahil hindi nya akalaing nasa panganib pala ang kanyang apo at bihag pa ng masamang kakambal ng mabuting Bathaluman.

Amihan:*shocked* Ano?! Papaano nangyari iyon?

Aquil: Mahabang salaysayin Sang'gre Amihan, at halos matagal na ring naganap ang pagdukot ni Casilda kay Cassandra.

Amihan: Matagal na? Ngunit bakit hindi ito nasolusyunan agad?

Nang sinabi iyon ni Amihan ay biglang sumulpot sa kung saan ang boses ni Ybrahim kaya lahat ng nandodoon ay napatingin sa kanya habang palapit sa bulwagan na sobrang seryoso ng kanyang mukha.

Ybrahim:*walks towards them* Hindi iyon ganon kadali Amihan, sapagkat wala sa Encantadia ang pinagtataguan ni Casilda kaya hindi namin malaman kung nasaan sa ating mundo sya nagtatago. Maging ako rin naman ay gusto ko ng makasama si Cassandra at tiyak akong pinahihirapan sya doon ni Casilda.

Agad na napayuko si Amihan pagkatapos magsalita ni Ybrahim dahil hindi nya matagalan ng tingin ang Rama ng Sapiro sapagkat sa tuwing nakikita nya ang mukha nito ay umaalingawngaw lang ang tinig ng Rama sa kanyang isipan na sinasabi ang masasakit na salitang natanggap nya mula sa kanyang mahal na Rama.

Amihan:*looking down* Kung ganon ay sasama kami sa inyong gaganaping pagpupulong mamaya. Hayaan nyo, gagawan natin ng paraan ngayon ng sa ganon ay mailigtas na natin si Cassandra mula sa kamay ni Casilda. Hindi ako papayag na hindi na natin sya mabawi pa.

Ybrahim: Pagdating ng iyong mga kapatid ay sisimulan na namin ang pagpupulong upang pagplanuhan na ang gagawing paghahanda.*said coldly*

Pagkatapos sabihin ni Ybrahim iyon kay Amihan ay napatingin sya kay Lira na nakahawak sa braso ng kanyang ina at masamang tinitingnan lamang ang kanyang amang kinakausap si Amihan na para bang wala syang ginawa ritong masama. Lumapit si Ybrahim sa kanyang anak at hinaplos ang likod nito, dahil ng makita ni Lira na papunta ang kanyang ama sa kanyang direksyon ay agad nya itong tinalikuran at inisnob. Kahit ganon, sinubukan pa rin ni Ybrahim na kausapin ang kanyang anak kahit na alam yang nagtatampo ito sa kanya.

Ybrahim: Lira anak, maaari ka bang makausap ng iyong ama kahit saglit lamang?

Lira:*did not face Ybrahim while talking**cross her arms* Pano pag ayaw ko?

Ybrahim: Lira, alam kong galit ka sa akin ngunit nais lamang kitang makausap saglit ng sa ganon ay makapagpaliwanag ako nang maayos sa iyo. Bigyan mo sana ng pagkakataon ng iyong ama.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon