Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik

682 26 176
                                    



Kumapit na ang lahat sa kaniya upang sunduin at salubungin ang mga nilalang na hiwaga pa rin sa kanilang mga isipan na nagbabalik na ng Encantadia. Hindi nila alam kung bakit ganoon na lamang kaimportante na sumama silang lahat sa Bathaluman na nagsasabing may mga bago silang panauhin na kailangan nilang makilala at makita agad, at wala silang kahit anong alam na matagal na pala nilang kilala ang mga nilalang na kanilang haharapin at susunduin ngayon. Nang makarating sila sa lagusan ng Asnamon, nagtanong muli ang lahat sa Bathalumang kasama nila.



Alena: Cassiopea, sino ba talaga ang napakahalagang panauhin na kailangan ay kami pa talaga ang sumama sa iyo upang sumalubong sa kanila?

Mira: May kinalaman po ba dito sa misyon na binigay ninyo kay bessy? Maaari bang sila ang makapagsasabi kung nasaan si Lira?

Paopao: Sana po talaga Bathalumang Cassiopea sila ang makahanap kay ate Lira. Namimiss ko na po kasi sya—este miss na namin syang lahat.*longing look to Cassiopea*

Cassiopea: Huwag na kayo mangamba.*smiles then speaks*Avi y elde etlar ivi Encantado ivo Correi(papunta na ang mga Encantadong inyong minamahal).*wisdom symbol lights up* Nandito na sila.*looks at the portal*

Danaya:*looks at the portal* Sino bang hinihintay natin Bathaluman? Bakit tayo rito naghihintay. Hindi ba't na kay Lira ang susi ng lagusan?

Ybrahim: Ibig sabihin ba nito na ang aking anak ang ating hinihintay ngayon?*excitedly looks at the portal*

Pirena: Huwag ka munang magpadala sa iyong pagkasabik at pangungulila kay Lira, Ybrahim. Baka umasa ka lamang dahil maaaring iba ang tinutukoy ni Cassiopea.

Paopao: Imposible po ate Hara Pirena. Dahil si ate Lira lang po talaga ang may susi ng Asnamon diba po? At tsaka isang lang naman po ang susi at na kay ate Lira po yun. Kaya baka sya po ang hinihintay natin ngayon.*smiles**excitedly glanced at the portal*

Mira: Ina, wag na lamang natin pasamain pa ang damdamin ng Rama. Sadyang nananabik lang talaga sya kay Lira, maging ako man.*touches Pirena's shoulders*



Maya-maya ay sabay sabay na silang nagtinginan sa lagusan ng Asnamon sapagkat hindi sila makapaniwala na iilaw at magbubukas ito, kaya hindi na nila maalis ang tingin sa lagusan kung sino ang papasok rito. Ilang sandali na silang naghihitay na may pumasok ngunit ni isang hulma ng nilalang ay wala pa silang nakikita kaya nagtaka na ang iba.



Danaya: Kanina pa tayo naghihintay dito Bathaluman, ngunit ni isang anino ng nilalang ay wala pang pumapasok sa lagusan.*naiinip nyang ani*

Paopao: Ate Danaya, chillax ka lang po okay? Siguro parating na sya or sila any moment kaya mag antay nalang po tayo.*smiles*

Pirena: Kanina pa nasasayang ang oras namin sa paghihintay sa wala, naiinip na ako't nababagot katititig sa lagusang wala namang pumapasok.*crosses her arm*

Ybrahim: Tama si Pirena Bathaluman. Hindi na namin nais pang manatili rito upang magsayang lamang ang aming oras. Alam mo namang napakarami pang umaasa sa aming kaharian at mas maigi na sa amin na bumalik na sa lamang aming gawain upang makapaghanda kami sa pagpupulong mamaya.

Alena: Hindi, maghintay pa tayo. Hindi naman sasadyaing puntahan at pasamahin tayo rito ng Bathalumang Cassiopea kung hindi ganoong kahalaga ang magbabalik sa Encantadia. Habaan nyo na lamang ang inyong pasensya pagkat nararamdaman kong paparating na sila, iilang saglit na lamang. *patiently looks at the open portal*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon