Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal

857 29 74
                                    

Tapos na ang laban ng mga Diwata laban sa masamang kakambal ng Bathalumang Cassiopeia at nagpapasalamat silang nabawi na rin nila sa wakas si Cassandra na matagal ng pinahihirapan ni Casilda sa kanyang kaharian. Nakauwi na ng Encantadia ng ligtas ang laha maliban kay Lira na natamaan ng kapangyarihan ni Casilda dahil sa pagliligtas nya sa kanyang anak kahit hindi nya man ito naaalala, kaya pagkarating ng pagkarating nila sa Lireo ay ipinadala na muna sya sa kanyang silid upang makapagpahinga at magamot ni Danaya at laking pasalamat naman ng lahat sapagkat nagmulat na si Lira matapos ng nangyari sa kanya, na agad naman syang dinalaw ng kanyang mga magulang sa kanyang silid. Ngunit habang nagpapahinga si Lira, ay nagulat ito ng mag-Ivictus sa kanyang silid ang kanyang Ashti Hara Alena upang kamustahin rin ang kanyang kalagayan.


Alena:*nag-Ivictus**smiles* Lira, mabuti naman at nagmulat ka na, nag-alala kaming lahat sa iyo.*sit besides Lira's bed*

Lira:*holds her chest**shocked* Grabe kayo ashti muntik nako mapatalon sa higaan ko, para kayong kabute bigla nalang susulpot kalurkie.

Alena:*small laugh* Agape Ave, Lira kung nagulat man kita.

Lira: Oks lang po ashti, salamat nga po pala dahil dinalaw nyo po ako dito. Paano nyo nga po pala nalaman na tapos na pagiging sleeping beauty ko—ay este paano nyo po nalaman na gising nako?

Alena: Nagsabi sa akin ang mga Dama kanina lamang, at napag-alaman ko na rin na nadalaw ka na ng iyong mga magulang kanina, tama ba?

Lira: Korak ka jan ashti, eh ayun lumabas muna po sila dahil gusto nilang makapagpahinga na ako eh, ang cute nga po nila pag magkasama po sila.*laughs**frowns*Pero sayang hindi ko po sila masiset-up sa mga dates kasi boyfie nyo po pala yung itay ko.

Alena: B-boyfie?

Lira: Opo, boyfie as in boyfriend, jowabels, teka pano ko ba ieexplain sa'yo.*thinks* AH! Magkasintahan, yun.

Alena: Hindi kami magkasintahan ng iyong ama, Lira. At isa pa, labag sa aming mga diwatang matataas ang katungkulan kagaya ng reyna na magkaroon ng kasintahan at makakatuluyan dahil ang Lireo at ang nasasakupan nito ang dapat lang naming pagkaabalahan.

Lira:*confused* Eh Ashti ang sabi po sa amin ni itay na ikaw napo ang mahal nya, hindi po ba talaga kayo? Ang gulo po huh.*scratched her head*

Alena:*holds Lira's hand**looks at Lira seriously* Lira makinig ka, lahat ng sinasabi sa inyo ng iyong ama ay walang katotohanan at batid ko na hindi nya iyon alam at ginugusto. Kaya sana'y huwag ka ng magalit sa kanya pagkat hindi nya alam ang kanyang ginagawa kay Amihan. At kilala ko si Ybarro, kung masasaktan si Amihan hindi nya iyon pahihintulutan.

Lira:*confused* Bakit mo po nasabing hindi nya po alam ang pinaggagagawa nya ashti? Pwede po ba yun na hindi nya alam ang ginagawa nya, krung krung lang ganon?

Alena: Mahirap mang paniwalaan Lira, ngunit kaya nagkakaganon ang iyong ama sapagkat iyon ay epekto ng sumpa ni Casilda na inilagay nya sa aking mga mata at nung nakita ako ng iyong ama ay bigla na lamang sya nagkaganyan. Mahal talaga ng iyong ama si Amihan Lira, at hindi ako.

Lira: Sumpa? So ibig sabihin po hindi po totoong hindi love ni itay si inay ko ganon po ba yun?

Alena:*understands what Lira said* Oo aking Hadia, kaya sana wag ka ng magalit sa iyong ama kung sinaktan man nya si Amihan, hindi nya ibig na gawin iyon.

Lira:*hinawakan ang sintido* Kaloka talaga yang kakambal ni tita model, kung sino sino na lang pinag titripan paano kasi walang love life jusko. Nako talaga, pag nagkita ko talaga ulit yun bibigyan ko na yan ng Jack Frost si lola Elsa pag may time, hindi kung sino sino pinag-iinitan nya kahit malamig sya, nakaka sira kaya ng ulo at nakakabukas ng pores!*jokingly said*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon