KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante

807 28 93
                                    

Casilda: Oras na upang gamitin ko na itong muli, aking Mashna. Sigurado akong masisindak sa akin ang mga diwata ng Encantadia. Makatutulong ito sa aking mga balak sa kanila.*villain smile*


Nang makalapit si Casilda sa mesang nakalagay sa pinakadulo ng silid, ay dahan dahan nya namang tinanggal ang telang nakatakip dito. At ng malantad na ito ni Casilda ay laglag panga naman itong tiningnan ni Castrell na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakita ngayon. Isang hindi kilalang bagay ang nakatawag sa kanya ng pansin, isang mala yelong bato ang bumungad sa kanyang mga mata na nagliliwanag sa madilim na kamara. Isang kakaibang bagay na ngayon nya lamang nakita sa kanyang tanang buhay.

Castrell:*shocked* Isang napakagandang bato naman iyan na gawa sa nyebe mahal na reyna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Castrell:*shocked* Isang napakagandang bato naman iyan na gawa sa nyebe mahal na reyna. Nakakabighani ang kanyang wangis, ngunit ngayon lamang ako nakakita ng ganyang klaseng bagay.

Casilda: Maghintay ka, Mashna, Dahil hindi ito isang pangkaraniwang bato lamang, at alam kong mas lalo mo pang ikagugulat kung malaman ninyo kung ano ito.*smirks*

Castrell: Ano ba iyan mahal na reyna? Bakit tila napakahalaga ng bagay na iyan upang hindi ito ilagay at iharap sa marami?

Casilda: Dahil kailangan ko itong itago at muling ilabas sa tamang panahon at pagkakataon. Sapagkat hindi ito isang simpleng bato lamang, Castrell. Dahil kagaya ng mga brilyante ng mga diwata, ay nabibilang at isa rin itong brilyante. At tiyak akong kapag nalaman ito ng mga Pashneang iyon ay sigurado akong masisindak rin sila, gaya mo.*looks at Castrell's shocked face as she puts thegem on her hands*

Castrell:*more shocked than before* I-isang brilyante ang bagay na iyan? Ngunit papaano? At saan ito galing mahal na reyna?

Casilda: Hindi man kapani-paniwala ngunit matagal na ito sa aking pangangalaga. At bakit mo naman naitanong kung papaano, Castrell? Hindi lang naman ang kanilang Bathalang Emre ang may kakayahan upang gumawa ng makakapangyarihang Brilyante hindi ba?*villain smile**gets the gem then floats on her hands* Ito ang brilyante ng nyebe, ibinigay ito sa akin ng dalawang makapangyarihang Bathala na kaaway ng sinasambang Bathala ng mga diwata.

Yelong Pashnea: Mga kaaway ng Bathalang Emre! Sina Bathalumang Ether at Bathalang Arde ba mahal na reyna?

Casilda: Oo aking alaga. Ipinagkaloob nila sa akin ang brilyanteng ito upang mapantayan ang kapangyarihan at lakas ng mga diwatang umapi at nagpatalsik sa akin sa Encantadia, mga diwatang walang ibang ginawa kundi lampasuhin ako lalong lalo na ang aking kapatid! At dahil sa aking pagkatalo noong sinugod ko ang Lireo sa pamumuno ni Dimetria noon ay hindi na nagdalawang isip pang ibigay sa aking pangangalaga ang brilyanteng ito. Utang ko sa kanila kung bakit hanggang ngayon ay malakas at makapangyarihan ako, Mashna. At oras na upang gamitin ko ang brilyanteng ito para sa akin at para na rin maipaghiganti ko ang mga Bathalang kinalaban ni Emre.*wicked smile*

Castrell: Natitiyak ko naman sa pagkakataong ito ay madadaig nyo na ang mga diwata mahal na reyna, sapagkat hindi nila alam kung anong sasalubong sa kanila.*wicked smile*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon