PART III | Pakikipaglaro

691 30 7
                                    


Pagkasabi ni Ybrahim ng pangalan ni Cassiopea, agad namang lumitaw ang Bathaluman sa gitna ng bulwagan.



Cassiopea: *wisdom symbol lights up on her forehead* Avisala mga mga Hara, Rama, at mga sang'gre. Poltre kung ako ay hindi dumating kaagad sapagkat may importante kaming ginawa ng mahal na Emre para sa paghahanda sa kung ano man ang masamang mangyari muli sa Encantadia.

Pinaalis na muna ni Hara Alena ang ibang kasapi ng konseho at ibang mga kawal. Ang tanging natira na lamang ay may mga matataas na katungkulan sa Lireo, Rama, Hara at ang mga Sang'gre na balak kausapin ang kararating lamang na Bathaluman.


Pirena: Mayroon nga bang mangyayaring hindi maganda Bathaluman?
Cassiopea: Hindi pa tiyak Hara Pirena. Sa ngayon, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Hasne duvin(what happend), Hara Alena? 


Alena: May isinangguni sa amin ang magsasaka kani-kanina lamang at ipinahayag sa amin ang nangyari sa kanilang mga pananim na bigla nalamang naningas sa lamig at namatay dahil sa yelong bumabalot dito. At hindi namin batid kung sino may pakana at kung papaanong nangyari ang mga kaganapang ito. 


Lira: Oo nga po Tita Bathaluman, parang ganito po oh. *pinakita naman ang retre na nanigas kasama ang bulaklak*
Cassiopea: *kinuha kay Lira ang bulaklak na may retre at tinunaw ang nyebeng bumabalot rito*


Ipinatong ng Bathaluman ang isa nyang kamay sa retre at biglang nawala ang paninigas nito. At nanumbalik muli ang buhay ng pashneang naging yelo at malayang lumipad-lipad sa palasyo. Binigay ng Bathaluman ang wala nang yelong bulaklak kay Lira.



Lira: Ang galing naman ni Tita Bathaluman, inunfreeze nya ang retre.
Danaya: Hindi lang yan ang nais naming tulong mula sa inyo Bathaluman. Nais rin namin sana na tingnan nyo sa iyong mga mata ang naganap sa mga pananim na nanigas at namatay sa lamig sapagkat hindi kami sinagot ng balintataw ni nunong Imaw dahil tila'y may anumang salamangka ang pumipigil dito upang makita namin kung sino ang may gawa. 


Pirena: Sa iyong pagiging Bathaluman ay sigurado akong lumakas ang iyong kapangyarihan at kakayahan at kung anuman ang pumipigil samin na hindi ito makita, ay iyong masasaksihan.
Cassiopeia: Susubukan ko Hara Pirena. *nanahimik at isinara ang kanyang mga mata*


Pagkasara ng mata ng Bathaluman, lahat lamang ng nasa pagpupulong ay nag-aantay ng kanyang sagot. Ilang sandali ay ay bumukas ang mga mata ni Cassiopea na may puting liwanag na lumabas. Kita ang pangambang mukha sa bathaluman dahil sa kanyang nakita. Maya-maya ay bumalik na dati ang Bathaluman.



Mira: Anong nakita mo mahal na Bathaluman? 

Cassiopea: *wisdom symbol lights up on her forehead* Mga ulap ay dumilim, isang enkantasyon ang sinambit at lahat ng pananim ay nagumpisang manigas at mamatay nang dahil sa tindi ng lamig.
Pirena: Engkantasyon? Sinong gumawa bathaluman? Sino ang sumira sa mga panananim ng mga magsasaka? 


Cassiopea: Hindi pinakita ang kanyang wangis. Tanging mga kamay nya lamang ang aking nakita, mga kamay na naglalabas ng malalamig na nyebe. Isang makapangyarihang engkantado, ang nagsisimulang ipakilala ang kanyang sarili. Na nagpapahiwatig na sya ay nagmamasid at nagaantay lamang ng kanyang pagkakataon.


Pirena: Pagkakataong labanan tayo? Kung gayon bakit hindi na natin sya hanapin at tapusin ngayon pa lang? Nang hindi na makapanakit at mauwi muli sa digmaan.
Alena: Wag ka munang padalos-dalos Pirena. Hindi pa nga natin alam kung sino sya at kung ano pang kaya nyang gawin maliban dito. Hindi pa natin batid ang tunay nyang pakay kaya wag ka munang magmadali, kailangan muna natin syang makilala at mapag-aralan.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon