-CHAPTER_2

7 0 0
                                    

Coat and Scarf

Sa bahay lang kami nag celebrate.Panay Ang puri sa akin ni mommy pero parang nakaramdam ako nang lungkot.Hindi ko alam kung bakit,para bang Ang Isang piraso nang puso ko ay nawala.

Kinabukasan,nang tumunog Ang alarm nang cellphone ko ay bumangon Na ako at lumabas nang kwarto ko.Akala ko ay ako palang Ang gising dahil madilim dilim pa nang sumilip ako sa bintana pero nang Makita Kong buhay Na Ang ilaw sa dining area ay dumiretso ako duon.Nakita ko si mommy at kuya Na seryosong nag uusap.

"Good morning!"

Bulabog ko sa kanila.Gulat Na Napa lingon si mommy sa akin.

"Kalani,Ang aga mo atang magising anak?"

Umayos nang upo si mommy at humarap sa akin.

"Excited ako,mi e,kayo po?bakit gising Na kaagad kayo ni kuya?"

"Anak,pupunta ako sa probinsya.May aasikasuhin lang ako,baka sa Isang linggo na ako makabalik-"

"I'll come with you mom"

"Huh?no Clod.Walang kasama si Kalani"

"Gusto ko din po sanang sumama e kaso may trabaho ako.Uh edi makikita nyo po si Daddy kung ganun?"

"O-oo anak...oo"

"Hmm,ikamusta mo nalang po ako sa kaniya.Pakisabi po na mag tatampo talaga ako kapag Hindi siya nakauwi next month sa birthday ko."

Umakyat ako pabalik sa kwarto ko bago naligo at nag palit nang desenteng damit.Hinatid ulit ako ni kuya sa tapat nang building.

"Wag Kang mag papalipas nang gutom"

Malamig Na bilin ni kuya.Ni hindi Na niya hinintay Ang tugon ko at agad Na niyang pinaharurot Ang sasakyan niya.Ano kayang problema nun?

Dumiretso Na ako papasok nang building.Nang bumukas Na Ang elevator ay nag tungo kaagad ako sa office ni sir Chikage.Naabutan ko syang pinag pipipirmahan Ang nakapatong Na mga papeles sa table niya.

Hindi pa ako nakaka imik ay nag angat Na kaagad siya sa akin nang tingin.Para bang Na sense niya Na may dyosa.

"Morning,sir"

Maiksi Kong bati.Hindi ko Na nilagyan nang 'good' baka sabihin naman nya ay madaldal ako kaya hindi ko Na pinahaba Ang Pag bati ko sa kaniya.

Tumango lang sya bago bumalik Ang tingin sa nasa table niya.Lumapit ako sa kaniya at Ang Isa niyang kamay ay inabot Ang clear book bago ipinasa sa akin.

"Dalhin mo muna ito sa head of department"

Utos niya nang hindi ako tinitingnan.

"San Yun?"

Tanong ko.

"Dyan lang bago mag elevator"

Lumabas Na ako nang office at pinuntahan Ang direksyon Na Sabi nya.uhmm,bago mag elevator.Gotcha!

Nang Makita ko  sa pinto Ang naka sulat Na head of department ay pinihit ko Na iyon at binuksan ngunit kaagad ding isinara nang Makita ko Ang head of department Na naka patong sa babaeng nasa sofa.Naku po!

Ramdam ko Ang paninindig nang balahibo ko.Basta ko nalang ipinatong sa sahig Ang clear book.Bahala Na sila.Sigurado namang makikita din niya Yan kapag tapos Na sila sa— ya!kinikilabutan ako.

Bumalik kaagad ako sa office ni sir Chikage.

Naupo ako sa sofa at ininom Ang milk tea Na nakapatong duon.

He Love My BloodМесто, где живут истории. Откройте их для себя