-CHAPTER_44

8 0 0
                                    

She's Alive

Nasa mall kami ngayon ni Chikage kasama si Zak.Nasa gitna namin sya at inaabot ang kamay namin ni Chikage habang nag lalakad.

Binuhat na siya ni Chikage bago hinawakan ang kamay ko kaya napa ngiti ako.This kind of family,this is my dream family.Hindi man perpekto.

"honey"

tawag sa akin ni Chikage.Marami ang naka ngiti habang nakatingin sa amin,para bang natigilan sila at nakakita nang mga modelong rumarampa.

"hmm?"

"Let's get married"

"kelan?"

Natatawang tanong ko dahil biglang nangunot ang noo ni Zak habang gulat na tinititigan ang ama.

"sa lalong madaling panahon,pwedeng mamaya,pwedeng bukas-"

"bukas ka dyan,hmmm...Next month?"

Binalingan niya si Zak na ganun pa din ang ekspresyon kaya natawa din si Chikage bago ito hinalikan sa pisngi.

"okay"

Nag tungo kami sa bilihan nang damit.Ibinaba niya si Zak na nag lalakad paikot ikot.

"bantayan mo si Zak,pipili lang akong damit."

Tumango si Chikage bago ako hinalikan sa pisngi.

"okay,i love you"

Ngumiti na lang ako at umalis na siya.Mamimili na sana ako nang damit nang makaramdam ako nang pag ka ihi.Tatawagin ko sana si Chikage para mag paalam ngunit nawala na sila sa aking paningin kaya nag tatakbo na ako patungong cr.

Pag katapos kong umihi ay binuksan ko na ang pinto.Nanlaki ang mata ko nang may lalaking sumalubong sa akin bago tinakpan nang panyo ang ilong ko.

Hindi ako huminga dahil alam kong kapag nasinghot ko iyon ay may mangyayari ngunit idiniin niya ito sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nagising ako nang maramdaman kong may likidong bumuhos sa akin.Para akong nalulunod nang imulat ko ang mata ko kaya napa buga ako nang hangin.

"hmmm"

Nanlaki ang aking mata nang makita kung sino ang nasa harapan ko.Si Carmina,buhay na buhay at wala man lang ka galos galos.She's alive!

"C-carmina!"

Gulat kong sabi Bago tumungo.Basang basa ako nang malamig na tubig at naka gapos ang dalawa kong kamay dito sa likod nang inuupuan kong silya.Wala na ang kaninang suot kong coat kung saan naka lagay ang aking cellphone.

Pag angat ko nang tingin ko ay nakita kong pina iikot ikot niya ang kaniyang buhok sa hintuturo habang naka ngising naka tingin sa akin.

"you know me?i like that"

Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi at ako naman dito ay natigilan.Buhay talaga siya.Papaano nangyari?ang akala ko ay patay na siya dahil iyon ang sinabi ni Jake,teka,Baka niloloko lang niya ako...Pero bakit nya naman gagawin yun?

Iniikot ko ang paningin ko at puro kahoy lang ang nakikita ko.Ang pader ay gawa lang sa kahoy at kung titingnan ay magmumuka itong warehouse.

"b-bakit ako nandito?"

Tanong ko na kinakabahan.Sisipain ko sana siya dahil nag lakad siya palapit sa akin ngunit saka ko palang napag tanto na naka tali din ang aking paa.

Tumawa siya at hindu nag salita hanggang sa bumukas ang pinto sa likuran niya at iniluwa nito ang lalaki na nag takip nang ilong ko gamit ang panyo.Seryoso ang kaniyang muka at diretso ang tingin sa akin.

He Love My BloodWhere stories live. Discover now