-CHAPTER_27

5 0 0
                                    

House

"Chikage"

Tawag ko kay Chikage na naka upo sa sa kaniyang swivel chair.Kaagad niya akong nilingon.

"Bakit?"

"May ipagagawa ka pa ba sakin?"

Marahan siyang umiling habang naka titig sa akin.

"Wala naman.Alam ko na naman yung mga schedule ko at,na pagawa ko na naman na sayo yung kailangan ko,bakit?"

Tanong niya.Nahihiya akong ngumiti bago ako tumungo at nag salita.Good mood naman siguro siya no?

"Pwede bang mauna nako,bawi nalang ako bukas.May gagawin kasi ako ngayon"

Makalipas ang araw na nag kausap kami ni Traiah ay lagi niya akong binibisita sa unit ko.Lagi din niyang kasama si Arthur.

Ngayon ang araw kung kailan ako dadalhin ni Traiah sa dati naming bahay nina mommy at kuya.Naeexcite ako pero at the same time kinakabahan din.


Im sure we have a lot of memories in our house.Baka makatulong pa iyon sa pag papabalik nang alaala ko.



"What is it?meet with your damn boyfriend?be with him?"

Malamig niyang tanong.Nag angat ako nang tingin sa kaniya bago ako napa nguso.Bakit naman niya sinabi yun?pinakiramdaman ko kung galit ba sya bago ako nag salita.


"wala kaya dito sa manila ang boyfriend ko."

Hindi siya umimik.

"Sasamahan ako ni Traiah ngayon papunta dun sa bahay namin.May bahay pala kami dito.Syempre di ko po yun alam,Chikage.Ngayon ang usapan namin ni Traiah,yung pinsan ko.Kaya naman,baka pwede nakong umalis?wala din naman ikaw pinapagawa sakin e."



Umaliwalas ang muka niya bago sya tumikhim at tumayo.Pinanood ko siyang isuot sa bulsa ang dalawa niyang kamay.

"uhmmm...Can i come?"

Tanong niya na ikina kunot nang noo ko.

"Huh?bakit?atsaka ang daming dumating na reports.Maaabala lang yung trabaho mo kapag sumama ka pa samin,titingnan lang naman namin yung bahay.Wala ka namang gagawin dun at saka di ko pa alam kung sang parte yun,malay mo malayo?"


"Then,i wont allow you to leave if you dont want me to come with you"

Kaagad akong naalarma bago tumayo at ipinakita sa kaniya ang galak ngunit peke na ngiti.Baka mag bago pa nang isip.


Wala namang masama kung sasama siya.Bakit ba kasi siya sasama?na buburyong na ba siya dito?e ang dami niya namang pwedeng gawin e.O kaya naman kung gusto niya mag libang ulit siya sa FK.


Kinagat niya ang kaniyang labi para mapigilan ang pag ngisi.Tss,nakita ko naman yun.

Sumenyas siya sa akin kaya nauna na akong mag lakad palabas nang office.Iminuwestra ko sa kaniya ang daan na para bang seniorito siya at ako ay katulong.

Umirap lang siya sa ginawa ko bago nag patuloy sa pag lalakad.Trip ko lang naman na gawin yun.Pake ko ba kung kita naman niya ang daan.


Nasa likuran niya ako habang pinag mamasdan siyang naka talikod sa akin.Sumandal ako sa likuran ko at hinintay lang na bumukas ang elevator.



"Mag taxi tayo ser"

Sabi ko nang patungo na sana kami sa sasakyan niya.

Kinunotan niya ako nang noo dahil siguro sa tinawag ko sa kaniya.Nag kibit balikat lang ako.



He Love My BloodWhere stories live. Discover now