-CHAPTER_45

9 0 0
                                    

Ya'll

sa isang siwang nang pader ay makikita ang labas.Madilim na,ibig sabihin ay gabi na.Iniwan nila akong mag isa sa loob nang kwarto na ito.Naka tali pa rin ang kamay at paa ko pero mabuti nalang at hindi nila naisip na pasakan ang bibig ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil inaantok na ako ngunit kailangan kong makatakas ngayong gabi para umuwi.Mukang imposible iyon dahil iisa lang naman ang pintuan na pwedeng daanan at siguradong may bantay duon.Hindi ko din matanggal ang pag kaka gapos sa akin kaya malabo talaga na makatakas ako dito ngayong gabi.

Nakakainis!hindi ko talaga alam kung anong gusto nila sa akin.Kung gusto akong patayin ni Carmina,bakit hindi niya pa gawin ngayon?o baka naman hinihintay niya na pumunta dito si Chikage para iligtas ako?hindi ko maintindihan!

Lalo na si Vashu,sa tingin ko ay seryoso talaga siya sa sinabi niyang gusto niya akong maging asawa.I wont satisfy them.Lahat nang gusto nilang mangyari ay hindi ko hahayaang mangyari.

Kung pinag paplanuhan nila si Chikage at ako ang gagawing bitag,sana walang mangyaring masama kay Chikage.Ilang oras pa lang ang nakaka lipas at miss ko na kaagad siya ganun din si Zak.Nangingilid ang luha ko kapag iniisip ko na baka ngayon ay umiiyak si Zak dahil wala ako kahit na hindi naman siya iyakin.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at si Vashu na may dalang tray nang pag kain ang pumasok.Inirapan ko sya bago ako tumungo.

"you need to eat-"

"kalagan mo na ko"

Bumuntong hininga siya kaya nag angat ako nang tingin.Tumitig siya sa akin at umawang ang bibig ko.Pakiramdam ko ay may kakaiba sa titig niya,para akong nahihilo.

"no,eat-"

"kalagan moko para makakain ako!"

galit kong sabi kahit na wala naman talaga akong balak kumain.Oo nagugutom ako pero ayokong kumain nang pagkain na mula sa kanila.Baka mamaya kapag kinain ko yun ay may mangyaring masama sa akin.Malay ko ba kung may lason iyon.

Inilapag niya ang tray sa sahig bago maingat na umayos nang tayo at ipinagpag ang dalawang palad.

"okay,susubuan nalang kita-"

"hay!ang kulit!ayoko,ano ba talagang gusto nyo?"

Pauwiin nyo na ko,miss kona Ang pamilya ko...

Tumango siya

"okay"

Naupo siya ay nagulat ako nang ilapit niya ang muka niya sa akin.Iniatras ko ang aking muka dahil halos wala nang espasyo ang muka naming dalawa.

"im very sorry..."

Mahinang sabi niya.

"pakawal-"

"im really sorry for everything..."

Nangunot ang noo ko,ano bang ibig niyang sabihin?

"tutulungan kitang tumakas dito,basta sumakay ka lang sa mga gagawin ko"

halos bulong na niya dahil sa sobrang hina nang boses.

"niloloko mo ba ako?"

Umiling siya at nakipag titigan sa akin.

"im serious,just pretend that you're fine with everything-"

"paano ako makakasiguro?"

Tanong ko,hindi ko alam kung bakit niya ako tutulungang tumakas.Baka nililinlang niya lang ako.

"i dont know...Just trust me,makakauwi ka din."

bumuntong hininga ako at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kaniya.Tumayo siya at nag tungo sa likuran ko,hindi ko alam kung ano ang gagawin niya duon pero naramdaman ko nalang na kinakalas niya ang tali sa kamay ko.

Kinalagan niya ako at gusto ko kaagad siyang suntukin nang malaya na akong naka tayo.Humalukipkip siya bago tumapat sa akin.

"Im going to help,you.Hold my hand now and pretend that you're okay to be with me"

Nag lahad siya nang palad sa akin.Maputla ang kaniyang palad kagaya nang kay Chikage at hindi ko alaM kung tatangapin ko ba iyon at mag titiwala sa kaniya.Pero ano pa bang magagawa ko kesa naman sumubok akong tumakas kahit na alam kong imposible na makatakas ako dahil walang wala ang lakas ko sa kanila.


Bumuntong hininga ako bago tinanggap ang kaniyang kamay.Naramdaman ko kaagad ang lamig nito at muntik ko na itong mabitawan,mabuti nalang at mahigpit ang pag kakahawak niya dito.


Tinanguan niya ako at sinenyasan kaya suminghap ako at nakisakay nalang sa plano niya.Lumabas kami sa kwartong iyon at nagulat ako nang iba na ang nadaanan namin.Hindi na mga pader na gawa sa kahoy kundi pader gawa sa bakal.

Tama nga ako dahil may mga bantay nga sa bawat dinadaanan namin.Lahat sila ay matalim na tingin ang ibinibigay sa akin bago ko pa sila malagpasan kaya kinilabutan ako at matik na tumitindig ang aking balahibo.Isipin ko palang na nasa bahay ako nang mga bampira.Well iba naman ang bahay nina Chikage dito.Mabuti silang bampira hindi kagaya nang mga ito na parang ilang kalabitan lang ay susugudin na ako at kukuhaan nang mga lamang loob para kainin






"san tayo pupunta?"

Mahina kong tanong sa kaniya.Sumagot siya ngunit hindi man lang ako sinusulyapan.

"sa hapag,sasaluhan mo kaming kumain-"

"ako ang kakainin??"

"tss,ofcourse not.Stop talking"

Itinikom ko ang bibig ko hanggang sa bumukas ang elevator at pumasok kami duon.May elevator talaga...

Nang bumukas iyon ay mag kahawak pa din ang kamay namin.Humigpit ang pag kakahawak niya sa kamay ko nang bumungad sa amin ang mahabang hapag kung saan naka upo ang mga kasamahan niya.



Isang hakbang pa lang palapit ang nagagawa ko ay nag si lingunan na sila kaya nangini ang tuhod ko at parang gusto na lang umatras at mag laho.

Pilit akong pinalakad ni Vashu palapit para umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi.Naka tingin pa rin sa akin lahat lalo na ang galit na si Carmina.


"Pumayag na sya sa gusto ko,wala na rin naman syang pamimiliian"

Mariin na sinabi ni Vashu bago ako binitawan at ipinag lagay nang pag kain sa aking pinggan.parang wala lang ang kaniyang sinabi at nag si balikan na sa pag kain ang lahat maliban kay Carmina at sa dalawang lalaki Na matalim ang titig sa akin.



"maayos,kung ganon"

May tono ang pananalita nang katabi ni Carmina bago ito bumalik sa pag kain.Tiningnan ko ang pag kain na inilalagay ni Vashu sa aking pinggan at wal namang kakaiba duon.Nang napa tingin ako sa baso sa aking tabi ay nanlaki ang aking mga mata nang makita at maamoy ito.Amoy dugo nang kung anong hayop.




Mariin akong pumikit at bumaling kay Vashu pag ka mulat.Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa dugong iyon.

"i-i dont like this blood"

Gigil kong sabi at tumango lang si Vashu bago ipinitik ang daliri.Pag lingon ko ay nawala na ang baso nang dugo sa aking tabi.Hindi pa rin ako nakaka hinga nang maluwag.

"Vashu,papaano kung binibilog ka lang nang babaeng iyan at pag katapos ay tatakas siya?"

Iritadong tanong ni Carmina na hindi na ata tutuloy sa pag kain.

"hindi niya iyon magagawa dahil hindi ko sya hahayaang lumabas sa lugar na ito.Habang buhay na sya dito"

Mag rereklamo na sana ako ngunit naalala ko kung ano ang sinabi niya kanina na sumakay lang ako sa kaniya kaya naman nanatili akong tahimik.

"Y'all.No one can hurt her here,mananagot sa akin ang kung sino mang manakit sa kaniya "

He Love My BloodWhere stories live. Discover now